#HGDChapter49 Gav SAVANNAH "Vannie..." Mula sa pagkakatitig sa kumikinang kong singsing ay nabaling ang tingin ko kay Ate Spring na hindi ko namalayang dumating na pala sa bar ng hotel na tinutuluyan ko. After what happened kanina, she was the only one na naiisip kong tawagan para mapaglabasan ng sama ng loob. As expected, she really came despite her condition. Nakasisiguro kong mahaba-habang pangungumbinsi ang ginawa niya para ihatid siya ni Tornado. "I'll leave you two, hindi ka puwede uminom okay?" masuyong saad sa kanya ng asawa niyang si Torn bago siya dinampian ng halik sa labi. Pilit ang ngiting ibinigay ko kay Torn nang tanguan niya ako. "Hindi mo naman kailangang mag-stay dito, Vannie, puwede ka naman sa bahay," ani Ate Spring sa akin. Pinagmasdan ko ang isa sa mga taong hi

