#HGDChapter37 Rights I swear mapapatay kita, Helios! Kuyom na kuyom ang kamao ko na hindi malabong mapadugo ng kuko ko ang palad ko sa galit na namumuo sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko si Light na sinisigawan ang kapatid niya sa kabilang linya. After Hurricane left with Mattie, dali-dali kong hinanap si Light na hinahanap ang walangyang kapatid niya. "Hello?! Are you listening Cane?! Hello—" Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at inagaw kay Light ang cellphone niya. "I swear Hurricane, kapag may masamang nangyari kay Matilda, I'm going to kill you!" sigaw ko pero tanging dial tone lang ang sumalubong sa akin. He hung up. Napapikit ako at napapaiyak na binalingan si Drew na nasa tabi ko. Nanghihinang inabot ko kay Light ang cellphone niya. "I'll call the police," ani Drew sa

