Si Brazeal Inayica Viglianco, mas kilala sa nickname niyang Binay, ay isang model na may itinatagong sakit. Kaya hindi siya nakikipagrelasyon sapagkat nahihiya siya, nahihiyang makutya ng iba at maiwang muli.
Sa kagustuhan niyang masubukan kung paano umibig at magkaroon ng kasintahan, sinubukan niya ang isang online dating app na Mate. Dito niya nakilala si Poseidon, ang lalaking bumihag sa kaniyang puso.
Nang napagdesisyunan ng dalawa na magkita na, doon kinabahan si Binay lalo na nang malaman niyang isang mayaman at prominenteng tao pala si Poseidon. Nahihiya rin siya sapagkat baka hindi siya matanggap ng binata lalo na at sobrang taas ng estado nito sa buhay.
Magkaroon kaya nang lakas ng loob si Binay? Magustuhan nga kaya siya ng binata na may nickname na Poseidon? O saktan lamang siya nito at paikutin?
Halina't makisubaybay sa kwento ni Binay at Poseidon!
–
This story is about romance and general fiction. Other genres will not be exposed at the beginning dahil sa spoilers. Read na lang po ang story!
Ideya itong lahat ng author. Ang lahat ng lugar, pangyayari, at tao na nasa kwento ay likha lamang ng imahinasyon.
Kaya if may makikita po kayong nangopya o kumuha ng story na ito at ipinost in any kind of multimedia, kindly message me. Hope you enjoy this one!
Iyon lang love lots!
Always remember, plagiarism is a crime!
–deyameeee