CHAPTER 13

951 Words
May tatlong buwan na rin ang nakakaraan mula noong umalis ako sa Pinas. Masaya ang naging buhay ko rito sa Amerika. Umalis na rin ako sa pagiging modelo na nag-iwan ng malaking kwestyon sa lahat at naging kontrobersiya. Lahat nga raw ay nagtatanong na, where is Brazeal Vigcliano? What happened to her?    Napailing na lamang ako sa isiping iyon. Ang dating ako na maganda at naglalakad sa runway, nagbibihis ng magagarang damit, sikat, sexy, at makinis ay wala na. May sakit ako kaya hindi na katulad ng dati ang aking istura. Cancer pa ito at hindi basta-bastang sakit.    Nasa teresa ako ng aking bahay at nagpapahinga. Nakatanaw lamang ako sa palayan ko ng mais, labanos, at kalabasa habang umiinom ng tubig at kumakain ng tinapay. Payapa at masaya ako rito, wala na akong mahihiling pa. Malayo sa mga taong mapanakit na sasaktan ako, malayo kay Tate na ibinasura lamang ako.    Lalo itong naging isang prominenteng businessman at lumawak pa ang sakop. Kilala nga ito sa kahit saang panig ng mundo. Kung sino-sino ring babae ang nali-link sa kaniya kabilang na si Hannah maging si Clouie. Kilala ko naman si Clouie, hindi iyon ganoong klase ng babae. Paniguradong dahil lang iyon sa trabaho. Alam niya namang may nakaraan kami ni Tate. Pero kung magiging masaya sila, sino ba naman ako para humadlang?    Wala na akong contact kahit kanino mula sa kanila. Ibinigay ko rin ang mga huling habilin at paalam ko kay Shane sa pamamagitan ng sulat.    Tumayo ako at inilibot ang aking paningin sa paligid. Ipinulupot ko naman ang balabal ko sa katawan at pumasok na sa loob ng bahay.    Nakabili ako ng hacienda at ito na ang ginawa kong tirahan. Supplier ako ng mga gulay sa palengke maging sa mga supermarket at natutuwa akong lumago ang aking business. Kaunti na lamang din ang mga nakakakilala sa akin dito kaya malaya akong nakakagalaw na hindi nila nakikilala.  Umupo ako sa sofa at binuksan ang telebisyon. Magaganda at moderno ang mga gamit ko rito sa bahay. Mahirap naman mamuhay ng mag-isa na walang libangan.    "April, baby come here! Nonood tayo TV nasaan ikaw mahal!" sigaw ko. Nagkakahol naman ang alaga kong chihuahua na si April habang papunta sa gawi ko na galing kusina. Ikinawag pa nito ang kaniyang buntot kaya binuhat ko siya para iupo sa aking kandungan.    Binuksan ko na ang telebisyon at nanood kami ng fashion show. Mahilig pa rin akong manood ng ganito at gusto ko pa ring nakikita ang kasama ko noong mga modelo.    Habang nanonood ay napalibot naman ako ng tingin sa aking bahay. Hindi ko rin maiwasang mapangiti araw-araw kapag natititigan ito.    Moderno ang disenyo ng bahay ko sa loob at simpleng American Style wood house lamang sa labas. May mga alagang hayop din ako sa kabilang banda nitong hacienda at maliit na rancho ng mga kabayo. Lahat ito ay mismong ako ang namili ng disenyo at muwebles na ilalagay.  "Oink, oink, oink!"    Rinig ko naman ang pag-oink ng baboy kong si Wendy. Isa itong maliit na biik at napakakulit. Dapat na itong kakarnehin noon kaso naawa ako at may lahi siya kaya hindi na lalaki. Kinuha ko na lamang at inalagaan. Madalas lang naman itong tulog kaya hindi mahirap alagaan.    Dinampot ko rin si Wendy at iniupo sa kabila kong hita. Masaya kaming nanood na tatlo habang nagpapahinga. Itong dalawa ang mga anak ko at hindi ko sila pinapabayaan. May sariling kama, pagkain, mga damit, maging mga toothbrush.    Sa tagal kong mag-isa at tanging mga magsasaka lamang sa may baryo ang nakaka-usap, natuto akong mas mahalin ang aking sarili. Mas nabigyan ko ng oras ang sarili ko at pag-isipan ang mga bagay. Doon ko na-realize na hindi pala masamang maging mag-isa. Dahil as long as mahal mo ang sarili mo at may tiwala ka sa panginoon, makakasurvive ka sa lungkot at makakapamuhay ng masaya.    "Ms. Binay, someone is looking for you! They said that they are interested in our products and supplies!"  Napatayo naman ako dahil may kumakatok sa labas. Pagkarinig ko pa lamang sa salitang interested ay mabilis niyang nakuha ang atensyon ko.    "Wendy and April, stay! Huwag kayong aalis!" bilin ko sa dalawa kong alaga na naiwan sa sofa.    Pumunta na ako sa may pinto at binuksan iyon. Nakita ko naman si Farmer John na nakatayo at may dala-dala pang basket.    "Where are they?" tanong ko.    "At the ranch, Ms. Binay. Let's go hatid ko na pow kayow," pagtatagalog ni Farmer John kaya napatawa naman ako.    Kumuha siya ng payong at sabay kaming naglakad papunta sa may rancho. Mababait ang farmers ko rito sa Hacienda Amerikana at mahal na mahal nila ako. Minsan pa nga ay binibisita nila ako at dinadalhan ng mga prutas. Pinatayuan ko rin sila ng bahay para hindi na sila lalayo kung sakali. Nasa dulo iyon ng hacienda na ito.    Nang makarating kami sa rancho ay sarado ang pinto nito. Sinenyasan ko naman si Farmer John na makikibukas kaya agad siyang tumango. Nanlalambot kasi ako para humila pa. Matigas kasi ang pinto rito at medyo makalawang kaya mahirap hilahin.    Pagbukas ni Farmer John ay may isang lalaki sa dulo na nilalaro ang kabayo kong si Kim. Parang nakikilala ko ang matipuno nitong likod. Ang buhok nito at ang kulay ng balat–  Akmang aatras ako palayo nang may maapakan akong maliit na kahoy kaya tumunog ito. Napalingon naman siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.    "Baby, what happened to you? May sakit ka ba ngayon? Bakit mo ako iniwan noon? Damn, I miss you so much."    Tinakbo ni Tate ang distansya namin at mahigpit akong niyakap. Sa tinagal ng panahon na umalis ako ay bakit sariwa pa rin ang mga sugat? Bakit sobrang sakit pa rin ng lahat? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD