________________________________
—CHRISTOPHER POV—
"Kuya aalis ka na? Di ka pa kakain?" Napalingon ako kay Niel. Yes nakalaya na sila kahapon dahil sa tulong nung magulang ni Gian.
May something na nangyari kaya't mamaya ko na lang iku-kwento.
"Doon na lang Niel. Kailangan ko kasing bumawi dahil hindi ako pumasok kahapon. Ibibilin ko sayo ang bahay ah?! Dahil tutal hindi ka pa pwedeng pumasok ngayon. Aalis na ako ha?!"
"O sige kuya. Naintindihan ko naman kung bakit" ningitian ko naman siya
Aalis na sana ako ng napagtanto kong may sasabihin pa pala ako sa kaniya.
"Niel!" Lumapit na lang ako sa kaniya
"Uhm... Bakit Kuya??"
"Maybe mga next week ililipat kita sa bagong eskwelahan" sambit ko sabay tukod sa dalawang kamay ko sa upuan.
"Huh?! Kuya?? Bakit???"
"Para malayo ka na sa kapahamakan. Doon kita ililipat sa Catholic School. Dahil sigurado akong respetado ang mga estudyante dun"
"Kuya huwag!" Lumapit pa talaga ito sa akin. "Nagsisisi na naman sila Gian. Magbabagong buhay na sila. Magbabagong buhay na kami. And besides Kuya, doble gastos yan. Magapapatahi ka pa ng bagong uniporme ko, may babayarin ka pa sa school"
"Kahit ilan pa ang magastos ko, malayo lang kita sa kapahamakan"
"Plssss kuyyyaaa. Uhm next week.... May pa-quiz at sasali ako dun. Ang mananalo ay bibigyan ng schoolarship. O di kaya'y kakausapin ko si maam o ang principal, gagawin ko ang lahat mabalik labg ako sa scholar. O kaya'y, papasahin nila, niya ako! Pangako Kuya! Maging mabuting estudyante, mag-aral na ako ng mabuti. Matalino ka kuya kaya matalino din ako pero sinayangan ko lang. Plsss Kuyaaa!! Huwag mo na ako ilipat nang eskwelahann!!"
Napangiti ako at ginulo ang kaniyang buhok. Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko at umiyak ng dugo HAHAHA.
"Oh sige na nga! Basta tuparin mo yang lahat ng sinabi mo!"
"I will Kuya! Salamat!" Sabi niya at yumakap ng mahigpit sa akin
"Sige aalis na ako. Mag-iingat ka dito" tumigil siya sa pagkakayakap
"Sige Kuya. Salamat ulit"
Ningitian ko lang siya at umalis na.
Habang naglalakad ako ay ikwe-kwento ko na sa inyo ang nangyari kahapon na sinasabi ko kanina. Ifla-flashback na lang natin.
****FLASHBACK****
"Mr. And Ms. Arcilla, maraming salamat sa lahat. Maraming salamat po talaga" sambit ko with the effect of bow na parang isang hapon. HAHA. Baka sabihin nila na isang hapon talaga ako hahaha.
"You're welcome iho. Kasalanan din naman ng anak ko kung bakit nakulong ang kapatid mo"
Ningitian ko ng sobrang napakalapad si Mr. Arcilla. Tiningnan ko naman si Ms. Arcilla, nakatingin ito ng diretso sa akin na aking labis na ikinataka. At kung makikita niyo ang mga mata niya, lungkot at alala ang emosyon nito.
Tapos ay nagulat na lamang ang lahat sa sunod niyang ginawa. Lahat ah? At kasali na ako nun. Niyakap lang naman niya ako. Yung yakap btaw na sobrang tagal niyo nang nagkita? Yung miss na miss mo na talaga siya. At gusto mo lang yakapin ng mahigpit.
Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa yakap niya. Nakakagaan kasi ng loob yung yakap niya. At yun btawng... Parang... Parang isang ina? Ng dahil sa kaniya na-miss ko tuloy si mama.
Ilang segundo lang ang yakap niya at bumitaw na agad siya. Pagkatapos ay si Niel naman agad ang niyakap niya. Labis na lang ang aking pagtaka. Hindi naman namin siya kaano-ano. O sadyang, ganon lang talaga siya.
"Anong ginagawa mo!"
Napabitaw lang siya sa pagkakayakap kay Niel dahil pinigilan siya ng asawa niya. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Niel at pareho ang emosyon na makikita mo sa mukha, pati na din sa mata
"So-rry sa nagawa ko. Mga iho" aniya at medyo yumuko pa.
"Ok lang yun po" aniko at ngumiti
"Sige, aalis na kami"
"Mag-iingat po kayo!"
Umalis naman sila pero bago sila makaalis ay tumingin muna yung Gian sa amin na nagtataka din ang mukha.
Tapos ay natatanaw ko na lang silang sumakay sa kanilang mamahaling kotse at umalis na. Kumaway pa nga ako e. Hehehe
Lumingon ulit ako kay Niel at lumapit ito sa akin tapos ay may ibinulong
"Kuya, ganun lang talaga si Mrs. Arcilla. Kadalasan nga, pagpunta ko sa kanila ay wine-welcome niya talaga ako at itinuturing na para talgang isang anak"
***END OF FLASHBACK***
At yun! Sabihin man ni Mrs. Arcilla na hindi niya yun sinasadya, pero nararamdaman kong may dahilan siya kung bakit niya kami niyakap.
Paalam na hahaha.
________________________________
—MHEARL POV—
"Owemjiee Earll!! Ang ganda ng wedding gown koo!!" May pagkatiling wila nung bride kaya napangiti ako ng malapad.
"Ang ganda din naman po niyo maam! Bagay na bagay sa inyo ang pinili mong wedding gown. Tsak akong pagmakita ka ng fiance mo sa araw ng kasal niyo? Mai-inlab pa yun sayo ng lalo" nakangiting puri ko
"Maraming salamat talaga sayo!" Niyakap niya ako na ginantihan ko naman. Ngunit kumalas din agad.
"Hindi talaga ako nagkakamaling pinuntahan na dresshop! Maraming salamat talaga!" Maiyak-iyak pa siya sa mga bawat katagang sinambit niya.
Napatawa na lang ako ng konti sa kaniya. "Maraming salamat po maam!"
"Teka lang" May kinuha naman itong kung ano sa bag niya "Here's our wedding invitation. Matagal na talagang plano naming mag-asawa na imbitahan ka. Kaya sana pumunta ka Mr. Balmonte"
Nakangiti ko itong tinanggap. "Yes po maam! Asahan niyong tupurin ko ang matagal niyo nang plano! Nandun ako sa araw ng kasal niyo"
"Ay naku! Maraming salamat! Tiyak akong matutuwa ang fiance ko netoo!!!
Kung nagtatanong kayo kung siya ba yung pumunta kahapon? Well hindi. Si Agatha lang naman. Kung naalala niyo pa siya ay maganda. Kung di niyo siya naalala? E di maganda din hahaha.
"Ahh e, madam! Are you ready na sukatin ang dream wedding dress niyo?"
"Hala puwede?!"
"Oo naman madam!"
Sobrang saya naman niya "I can't wait to try it!"
"MARRYY!!" tawag ko kay Mary na isa ding trabahante dito
________________________________
—CHRISTOPHER POV—
Malapit na sana akong makarating sa aking cubicle ng napalingon ako sa likod dahil may tumawag sa pangalan ko
"CRISSS!!!" It's Joe. Kuya-kuyahan ko na dito sa trabaho. Close na din kami neto.
"Oh kuya Joe?! Anong atin ha? Last time nung nakausap kita ay about sa engagement! Huwag mo sabihing ikakasal ka na! Kay ate Jolina?" HAHA biro ko lang yun.
"May lahi ba kayong manghuhula Cris? Paano mo nahulaan??"
Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya "Luh! Totoo Kuya?"
"Oo. At iniimbitahan kita sa aming kasal. Magagaganap dalawang linggo bago ngayon" sambit niya sabay bigay sakin nung invitation card.
"2 weeks from now?!! Ang dali lang naman ata?!"
"Ganyan talaga ang true love Cris" e di sanaol. Hahaha jowk lang
Hinawakan naman niya ang isang balikat ko "Hindi din naman kami nagmamadali, pero. Kailangan eh! Kung di ko siya papakasalan ngayon, ipapakasal siya sa iba. Which is, ayokong mangyari. Ipaglalaban ko siya Cris ke't ayaw ng mga magulang niya ang pag-iibigan naming dalawa!"
Sanaol noh?
"Kaya't ikaw Cris ah? Ipaglaban mo din ang taong mahal mo. Kahit anong mangyari at kahit ayaw ng iba"
"Sa ngayon kuya, tanging ang kapatid ko lang ang minamahal ko"
"Wee? Sure ka ba? Parang di ako naniniwala sayo"
'Huh? Sino pa bang isang mahal ko ngayon? Wala na diba? Ewan ko kay kuya'
_______________________________
—ASHTER POV—
Naglalakad ako ngayon. Papunta sa kuwarto nung Ar na yun.
Ang ipinagtataka ko talaga ay kung bakit ni isang beses ay hindi ko siya nakilala. Lahat ng kamag-anak namin kilala ko e! Friendly kaya akong tao. Totoo yun guys.
Naglalakad ako habang ka-chat si bebeluvs ko. Hehehehe
[Rica, pwede pa favor?] chat ko sa kaniya na agad naman niyang na-seen at nireplayan.
[Ano yun Ash?]
[Puwede ka bang mag-send ng picture ni Rey? Corious lang ako kung ano ang mukha ng Rey na yan. At titingnan ko din kung mas gwapo pa ba sa akin. Pero syempre diba, mas gwapo pa ako keysa sa Rey na yan]
[Sige-sige, ise-send ko. May pic pa ako niyang na-save ata sa phone ko? Teka lang, hahanapin ko muna]
[O sge, take your time]
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating na nga ako sa kuwarto ni Ar. Kakatok na sana ako para pumasok ng biglang tumunog ang messenger ko.
'Tsak akong na-send na ni Rica ang hiningi ko'
Huminto agad ako at tiningnan ang picture ni Rey. Tapos ay napasabi na lang na....
'Gwapo pala ito pero mas gwapo pa ako'
Nagreply muna ako na 'salamat' tapos ay ibinalik ang phone sa bulsa.
Tapos ay hinarap ko na ang kuwarto at nagkatok
*TOK*TOK*TOK
"Saglit lang!" Sabi niya mula sa loob
Pagbukas niya ng pinto ay labis na lang ang aking pagkagulat ng namukhaan ko ito.
Siya si....
Si....
********************
TO BE CONTINUED......