Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon. Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturan

