Nasa isang resot lang silang dalawa kahit sinabihan silang mag out of the country. Siguro mas pinili niyang sa resort nalang kaysa sa mag sayang sila ng pera kung ana-ana lang din naman ang gagawin nila. Resort 'yon ni Quinn kung saan sila noon namasyal. “Hindi ka pa inaantok?” Untag ni Quinn sa kanya sabay yakap muka sa kanyang likuran. Sinilayan niya ito bago nginitian ng matamis. “Hindi pa. Maaga pa naman, ah.” Dahilan niya at may munting pag tawa pang kasama. “Why?” May pagtatakang tanong ng asawa niya sa kanya. Hinarap niya ito at doon ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Nakita niya kung paano mariin na kinagat ni Quinn ang ibabang labi nito dahil sa pagtama ng mga gitna nila. Hindi niya iyon pinansin. Patay malisya niya itong tiningnan. Titingnan niya lang kun

