Hi, baby. I hope you'll like the food that I prepared for you. Lihim siyang napangiti ng mabasa ang txt sa kanya ni Quinn. Nasa kuwarto pa siya at katatapos lang maligo. Na excite siyang bumaba para mag almusal. Nag halo ang kilig at gutom kung kaya't inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng kanyang silid. Alam niyang wala na ito sa kuwarto kaya hindi siya nangangamba na basta siya harangan sa labas kapag nag tagpo sila. Wala pa siyang lakas ng loob na sabihin sa mga tao na may relasyon sila ni Quinn. Darating din ang araw na dadalawin siya ng kanyang lakas ng loob at yo'n nalang ang hinihintay niya. Pagkarating niya sa kusina basta siya napahinto at awtomatikong naiikom ang bibig nang makita na kumpleto ang miyembro ng pamilya. Nakangiting naka-upo si Nanay Clarita niya at katabi nit

