Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog kagabi. Bukod sa katabi nila ni Ryuku si Quinn ay halos maging sardinas silang tatlo sa makitid at maliit na kama kaya ngayon hihikab-hikab siya habang nag luluto ng pang almusal nila. Kanina pa siya inuukit ni Riki ngunit pinababayan niya nalang ito. Kapag pinatulan niya ito baka abutin na naman sila ng ilang oras para mag ukitan. Habang siya ay busy sa pagluluto si Riki naman ay tamang nag kakape lamang sa lamesa sa kusina habang nanonoud ng kung ano sa cellphone nito. Alas nuebe na nang umaga pero tulog parin ang mag ama. Labas siya sa pamilyang iyon. Tanging isang tagapag-bantay at ina-inahan lamang siya. Habang nakasalpak ang isang pares ng wireless earphone sa kanyang tainga gano'n na lamang ang pag sabay niya sa kanta habang nag kuku

