“Rica?” Tawag niya sa kanyang secretary. Nasa isang hotel sila ngayon at mamaya lang ay paalis na ulit sila para sa isang meeting na naman. Pa tatlong araw na nila ngayon sa Europe at mag titiis pa siya ng ilang araw dahil saktong one week ang business trip na pinuntahan niya. “Yes, po, Sir?” Tugon nito sa kabilang linya. “Please do something. I need to talk to Architect Nicolao. Thank you.” “Right away, Sir.” Pagkatapos ng tawag balik na ulit siya sa pag kuting-ting sa kanyang laptop. Halos magdamag na siyang walang sapat na tulog dahil hindi gumagana ang monitor ng CCTV na nasa ward ni Janessa. Nasanay siyang maghapon magdamang niyang nasubaybayan ang pagtulog ni Janessa at dahil doon nagagawa niyang maayos ang kanyang mga trabaho at nagiging buo na ang araw niya kapag gano'n! Ngayon

