Chapter 10 - Pageant

2120 Words
Ang planong pag-uwi sana ni Tori matapos ang ginawang pag-aayos sa sasakyan ng kaibigan ni Marcus ay hindi natuloy. Ginawa ni Declan ang lahat, kasama sina Vaughn at Tom, para lamang doon na sila mananghalian nina Inah at Samuel. Ilang beses niya na kasing sinabi kanina na kailangan niya ding magpunta kaagad ng barangay hall kapag natapos sa sasakyan. Idagdag pang magkakilala sila ng mayordoma ng villa na si Manang Sonia na siyang nangunguna pa sa pangungumbinsi. Magkaibigang matalik kasi ito at ang ina-inahan ng dalaga. Pero ang totoong nagpapayag talaga kay Tori ay dahil sa bata. She decided to stay dahil ayaw pa nitong kumain kalag hindi siya kasama. At mukhang nadurog pa ang kaniyang puso sa nalaman. "Pagbigyan mo na ang bata, mang. Mukhang naghahanap yata ng mother figure." pabulong na sabi sa kaniya ni Inah. Saglit silang nagkasarilinan sa malaking living room. Nauna nang tumungo kasi sa dining ang iba. Kumunot ang noo ng dalaga. Agad lumambong ang mga mata nito sa sinabi ng kasama. "Bakit? Wala siyang nanay?" "Wala daw. Pati tatay, wala na rin daw. Nakababatang kapatid ni fafa Marcus ang daddy niya, kaso dahil na-deads na nga, kaya nasa kaniya ang bata." "Oh my," parang may bikig sa lalamunang napalunok si Tori. Bahagya pang nag-init ang kaniyang mga mata nang makita kung paano niya ngayon nakikitang inaasikaso ng yaya ang bata. "Hindi ko alam ang buong kuwento basta narinig ko lang kanina kay fafa Tom." Walang pagdadalawang-isip, mabilis na nakalapit ang dalaga sa bata. Siya na mismo ang tumabi dito kaya naman pasayaw-sayaw pa ito sa inuupuan habang pinagsisilbihan ng yaya. Tori felt something in her chest. Nang mga oras na iyon ay kinailangan niyang pigilan ang sariling yakapin si Aaron. Malamang kasi ay magtataka ang mga naroroon lalo na ang suplado nitong tiyuhin na nakita niya pang nagmamasid sa kaniya ng palihim. In her mind, bago mag ala-una ng hapon, dapat ay on the way na siya sa barangay hall. Meron lang siyang napansin at iyon ay hindi niya naiwasang kainisan. Habang ang lahat ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa kaniya kasama na si Aaron na nang malamang naroon siya ay hindi na umalis sa kaniyang tabi, ang antipatikong si Marcus ay ni hindi niya naringgan ng kahit isang paanyayang singaw lamang sa ilong. Hindi naman sa sinasabi niyang gusto niyang dito manggaling ang imbitasyon. Pero sana man lang, bilang ito ang host ng kaibigang nasiraan ng sasakyan, at bilang ito ang may-ari ng tahanang iyon, nagkaroon man lang sana ito ng good manners na manguna sa imbitasyong iyon. At ang isa pa'ng ikinaiinis niya ay ang panaka-naka nitong pagsulyap sa kaniya na tila ba aburido ang mukha. Hindi niya na lang ito pinansin at pinagtuunan na lang ng atensiyon ang mga pagkain na nasa harapan. "Naku, Kapitana. Sana po'y magustuhan niyo itong bicol express version ko. Nagkasarapan kami ng kuwentuhan ni Nita noong isang linggo, nabanggit niya kasing mainam ding sitaw ang gulay na isahog dini." bakas sa mukha ng matanda ang kakaibang sigla habang pinagsisilbihan ang chairwoman. Maliban sa binanggit na ulqm, meron ding crispy pata at isang sea food dish na nakahain. Maja blanca naman at nagtatamisang mangga ang para sa panghimagas. "Masarap nga po, Manang Sonia. Tamang-tama lamang po ang anghang." "It's really sizzling hot, though," hinihingal na pinaypayan naman ni Declan ang bibig. Tawanan ang lahat ng naroroon. "Tita Ria, kumakain po kayo ng maanghang?" Natatawang binalingan ng dalaga si Aaron. Mukhang mabilis na naging close ang bata sa kaniya after that cat rescue operation. At kung noong una ay ate o tita Tori ang tawag sa kaniya, she said to him to just call her Tita Ria. Nabubulol kasi ang bata. Naaaliw din siyang tingnan ang chubby kid dahil mamula-mula talaga ang pisngi nito at may pagka-tsinito. "Um, oo, kumakain. Actually, mahilig ako sa maanghang. Saka ang sarap ng luto ni Manang Sonia, e." Sagot niya dito at napasulyap sa huli. Manang Sonia smiled, nagpatuloy ito sa pagsi-serbe sa mga guwapong kasama nila. Maya't-maya din siya kung balikan ng matandang babae para asikasuhin. Halatang natutuwa ito at nakasama siya sa malaking hapag-kainan ng villa. "Alam mo ba 'yung mahabang sili, ha, Aaaron?" singit naman ni Inah. Nakangusong tumango-tango naman ang bata. "Nginangatngat niya iyon." Napanganga ang bata habang si Samuel naman ay hindi napigilan ang matawa nang marinig iyon. Tinaasan ni Tori ng kilay si Inah, bahagyang natatawa rin. Nakatingin kasi ang bata at ayaw niyang magmukhang masungit. She knows what does Inah is referring to at mukhang ini-entertain lang ang bata. Noong maliliit pa sila at nasa grade two, nagkaroon noon ng isang pangyayaring hindi makakalimutan ng tatlong magkakaibigan. Sa nasabi na nga, tatlo sila nina Inah at Samuel, ang halos magkasama mula kabataan hanggang kolehiyo. Sila talaga ang magkababata at laging magkasama. Dahil nga sa noon pa ma'y talaga nang nagluluto ng masasarap na putahe ang Nanay Nita ni Tori, merong isang pangyayaring nakain nito ang mahabang sili dahil sa patagong kumuha ito ng ulam sa hindi dapat pagkunan. To make the story short, aksidente nitong nginatngat ang sili at nagsisisigaw ng tulong sa dalawa, Samuel at Inah. Tila napapahiyang napatingin si Tori sa mga kasama bago niya tinapunan ng makahulugang tingin ang bakla. Natatawang nagsipag-tanungan ang tatlong magkakaibigan na malugod namang sinasagot ni Inah at Samuel. Samantalang si Marcus naman ay tila walang pakialam lamang na nagpatuloy sa pagkain. Para itong may sariling mundo at hindi naririnig ang pinag-uusapan. Tori felt offended pero mas piniling asikasuhin na lang ang bata. "Grabe, hindi talaga ako makapaniwala, Tori. Ngayon lang talaga ako nakakita ng babaeng sing-ganda ng isang diyosa at pang-Miss Universe na tindig pero hindi maarte at chairwoman pa!" Nakangiting ani ni Tom. Pahapyaw pa itong sumulyap kay Marcus pero wala pa ring reaksyon mula sa huli. "Speaking of beauty pageant, nagkita nga pala kami ni Mayor kahapon, Ri. Ayun, nagpapatulong sa aking kumbinsihin ka." Mula kay Samuel ay nabaling na naman ang lahat ng mga mata sa dalaga. Natigil sa pagnguya si Marcus, nakaangat ang isang kilay na napatingin sa binatang kagawad. "Sinasabi ko na nga ba, talagang gagawin ni Yorme ang lahat para mapapayag ka, Mang." "Mawalang-galang na po, Kap, pero narinig ko din po kasi sa palengke nakaraang magkasama kami ni Nita, talagang nakikiusap si Mayor na kumbinsihin nga po kayo." "Ria na lang po, Nay. Magkaibigan po kayong matalik ni Nanay," she genuily smiled. "Eh, hindi naman po kasi ako..." napakagat-labi ang chairwoman, hindi alam kung papaano'ng malulusutan ang muling pagkabuhay ng topikong pilit na iniiwasan. Gustong-gusto niyang pag-uuntugin ang dalawa niyang kaibigan. Mukha kasing nadidiin pa siya sa sitwasyon. "O, e, saan nga bang pageant?" "Sa Binibining Pilipinas. Siya ang napipisil na magre-represent sana ng Benguet." "Really? I knew it, you really have what it takes, Kap." Ani Vaughn. Lingid sa kaalaman ng ilan, maliban sa mga kaibigan nito, Vaughn's mom was a former beauty queen. "Woah! You just have to go for it, Tori. Malaki ang chance mo. We will support you kahit pa makabalik na kami ng Manila." It was Tom who seems to be just listening pero mukhang katulad ng iba, aminadong may ibubuga na si Tori "Tita Ria can even get up to the tree as well and rescue Rocket. That was really something. And she's very beautiful!" Samu't-saring opinyon na ang pumagitna sa lamesang iyon. Suddenly, the lunch went into ruckus hanggang sa hindi na nakontrol ang ingay, isang malakas na tikhim at seryosong boses na ni Marcus ang pumutol. "Puwede ba'ng tapusin muna natin ang tanghalian ng walang masyadong ingay? Besides, it's her decision at hindi niyo kailangang pilitin kung ayaw. Baka mamaya, mapilitan na lang siyang gawin 'yan kahit na alam naman niyang mahihirapan siya. Huwag niyong pilitin kung ayaw. Toffy, finish your food and please do not rebut with the oldies conversation." Matigas ang boses ni Marcus at magkasalubong pa ang mga kilay. Natahimik ang lahat at napatingin dito nang may nagtatakang mga tingin. Tila napahiya naman si Manang Sonia, tahimik lamang itong tumalikod at nagtungo ng kusina. Lahat ay natahimik habang si Tori nang mga sandaling iyon ay nagbibilang na ng hanggang sampu, maiwasan lamang ang pinipigilan niyang galit. Yes, she was offended at sa tingin niya'y hindi tama ang ginawa ng binata. Mabuti na lamang at tumunog ang cell phone ni Inah. It was Nanay Nita, pinapasabi kung maaari na munang umuwi si Tori dahil may emergency daw sa barangay hall. Naiwan pala ng dalaga ang cell phone nito sa talyer kaya sa kaibigan tumawag si Nana Nita. Matapos sabihin iyon ay pinilit naman ni Tori ang makatapos ng pagkain ng maayos pero halos hindi na niya iyon magawa. She tried not to be affected pero after hearing the unforeseen words from the arrogant host, kumpirmadong mukhang hindi talaga sila magkakasundo nito. "I'm sorry pero kailangan ko na talagang umalis." Magalang siyang nagpaalam sa mga kasama pagkatapos niyang uminom ng tubig. Hindi na hinintay ni Tori ang sagot ng iba lalo na ang kay Marcus, she immediately stands up. She gave goodly stares to the three men bago sinenyasan si Inah at Samuel. "Aaron, mauuna na muna ako, ha. pakisabi na lang kay Manang Sonia, I really enjoyed her dishes." She gently caressed the kid's face bago muling tipid na nangiti sa tatlo. Hindi niya tinapunan ng tingin si Marcus. Kung meron man isang ugali si Tori na hindi niya magawang walain, iyon ay ang pakikitungo ng plastic sa mga taong halatang hindi siya gustong harapin o pakitunguhan ng maayos. "Teka Tori, sandali lang, paano pala 'yung sa repair fee, magkano?" Mabilis na humabol si Declan. Nasa main entrance na sila ng malaking bahay nang abutan siya ng binata. Pero nakasunod din pala sa likod nito si Marcus. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tori. Konti na lang talaga at baka kung ano pa'ng magawa niya sa may-ari ng bahay. "How much? Ako na'ng magbabayad. Ako naman ang host nila." "No, pare. Ako na ang magbabayad," giit ni Declan. "No, it' s okay, wala kayong dapat bayaran. Treat is as an appreciation na nakapunta kayo dito sa maliit naming baryo." "Naku, Tori. Hindi puwede. Alam-" "You should refrain from calling her with her first name, Dec. She's the chairwoman." may diin ang pagkakasabi ni Marcus. Natigilan ang huli sa narinig mula sa kaibigan. Napalabi ito at sumulyap lang sa dalaga bago itinaas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko. Mukhang meron itong nahalata, pasimple itong tumingin kay Marcus bago nagpaalam na babalik sa dining table kaya naiwan silang dalawa ng binata. "Name the price, hindi ako hihingi ng discount." Doon na hindi nakatiis si Tori. Asar na asar na niyang hinarap si Marcus. Hindi niya maunawaan pero sigurado siyang inis sa kaniya ang binata. Well, the feeling is mutual, at wala siyang planong basta na lamang iyon unawain nang hindi niya naipapaabot dito na hindi niya mapapalampas ang pakikitungo nito sa kaniya magmula kanina at sa mga nauna pa nilang encounters. "Mr. Sy, hindi pa naman po ako namumulubi para hindi mabigyan ng isang courtesy assistance ang isang dayo. Hindi niyo kailangang magbayad." "Perhaps, yes. Consider that is the case, doon na lang tayo sa isa pang pinag-uusapan niyo. Huwag kang sumali sa pageant. Mahihirapan ka lang." "Talaga namang hindi. Saka teka nga, ano naman sa'yo kung sakaling sumali ako doon?" "I don't owe you an explanation, Chairwoman Lianres. Basta huwag kang sumali, just a friendly advice." Asar na natawa ang dalaga bago nito ubod ng taray na sinagot si Marcus. "Well, neither do I. Wala kang karapatang pahiyain ako ng ganito mula pa kanina, as if naman gustong-gusto kong mag-stay pa dito para sa pananghalian. And for your information, again, hindi ako katulad ng iba na magkukumahog sumali sa isang pageant. And if, just in case, I will, wala kang say doon. Your opinion is unsolicited, Mr. Sy. Maraming salamat nga po pala sa imbitasyong makikain. Tutuloy na po kami." tumalikod ang dalaga bago muling lumingon sa binata. "And by the way, we're not friends. At sana pumasyal ka nga pala sa barangay hall as soon as possible at nang mapag-usapan natin ang tungkol sa tigre mo. Mabuti pa ang hayop, may sense of hospitality. Hindi gaya mo na suplado at antipatiko." pagkasabi noo'y walang lingon-likod na tinungo ng dalaga ang direksyon papalabas ng bahay at bakuran nito. Nagmamadali namang nakasunod lamang sa likuran nito si Inah, halatang nadismaya din sa nangyari. As for Samuel, bahagya nang seryoso ang mukha nito nang magpaalam. Nanggigigil na napapikit ang dalaga. This would be her last appearance in this villa, sa isip niya. Huwag na huwag lang muling magku-krus ang landas nila ng Marcus Sy na 'yon at baka sa susunod, makalimutan na niya code of conduct and discipline sa kaniyang komunidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD