RYSHA'S POV "Rysha! " Muntik na akong mahulog sa kama ko nang biglang may sumigaw sa tainga ko. Ang himbing pa ng tulog ko kaya sobrang nagulantang ako na halos tumalon na ang puso ko. "Throy? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" gulat na gulat na tanong ko sa kaniya nang makilala ko kung sino ang nambulabog sa mahimbing kong tulog. "Kanina pa kasi kita kinakatok pero hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto. Tapos 'yon naman pala, tulog na tulog ka pa," seryosong sagot naman niya sa akin. "E bakit ba kasi ang aga mong mambulabog?" naiirita ko namang tanong sa kaniya. "Foundation Day na," plain niyang sabi sa akin. Foundation Day lang pala e. Teka ano? Foundation Day na. "Kaya maligo ka na dahil madami tayong pupuntahan ngayon," dugtong na sabi pa niya. Pagkasabi no'n ni Throy ay luma

