AKEESHA'S POV Alas singko na ng hapon at dalawang oras na lang ay magsisimula na ang Elemental Ball. Nakatulala lang ako sa harap ng salamin ko at hindi ko alam kung anong gagawin sa sarili. Nakahanda na ang gown at heels na isusuot ko pero ang itsura ko ay hindi pa handa. Iniisip kong baka maging katawa-tawa lang ako dahil sa magiging itsura ko. Hindi ako marunong maglagay ng make-up kaya medyo namomroblema ako ngayon. Isang malakas na katok ang nakapagpagising sa lumilipad kong isipan. Agad kong binuksan ang pinto. "Riya? Athena." Gulat kong sambit sa pangalan ng mga Elementalist na nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto ko. "Yes. Kami nga ito." Natatawang sabi ni Riya. "Anong ginagawa niyo dito?" "Baka pwedeng papasukin mo muna kami dahil nakakangalay tumayo." Walang emosyong sabi

