EHRIS' POV Pinagmasdan ko sa Batis ng Katotohanan ang natutulog na si Akeesha. Malakas na Elementalist si Akeesha dahil nagawa niyang makipagsabayan kay Athena nang hindi ginagamit ang pagiging Psyche niya. Nakakamangha. Bihasang bihasa na siya sa paggamit ng kaniyang water element kahit na hindi siya lumaki sa Elemental World. At mas nakakamangha na nakokontrol niya ang hindi paggamit sa iba pa niyang element. "Maganda rin ang kinabukasan ni Akeesha bilang isang Elementalist kung hindi siya ang itinakdang Elemental Balance Psyche," komento ni Aira na kasama kong pinagmamasdan si Akeesha. Nakita niya rin ang makapigil hiningang paglalaban ng dalawa at alam kong namamangha rin siya sa angking galing ni Akeesha. "Nakakapanghinayang. Malaki ang posibilidad na maging isang dakilang myembro

