RYSHA'S POV "Ry, gising na." Naalimpungatan ako nang biglang gumalaw ang pinagsasandalan ko ng ulo ko. Pagmulat ko ay nakaunan na pala ako sa balikat ni Throy. Sa gulat ko ay bigla akong tumayo kahit na medyo inaantok pa ako. Ngunit dahil sa bigla kong pagtayo ay nawalan ako ng balanse. Agad naman akong nahawakan ni Throy sa may bewang ko kaya hindi ako lumagapak sa lupa. Masyadong magkalapit na naman ang mga katawan namin ni Throy kaya agad akong umatras palayo sa kaniya. "Okay ka lang?" may himig pag-aalalang tanong sa akin ni Throy. "Oo. Salamat," mahina ko namang sagot. Tiningnan naman ako ni Throy nang nagtataka. Iniiwas ko na lang ang tingin ko habang siya ay nagpakawala ng buntong hininga. "Malapit nang magsimula ang afternoon class. Tara na sa training field," mahinahon niya

