RYSHA'S POV Inilibot ko ang paningin ko sa buong training field na napili ng barkada. Napakalawak nito at sagana rin ito sa mga puno at bulaklak. Ngayon na ang umpisa ng training namin at medyo kinakabahan ako kasi Air Element lang ang pwede kong gamitin. Nasanay na akong pinagsasabay-sabay ang apat kong element at natatakot akong baka mapalabas ko ito ng hindi sinasadya. Paniguradong malaking problema ito kapag nakita ito nina Lizeth. "Rysha!" Naputol ang pag-iisip ko nang bigla akong tawagim ni Michael. Napatawa naman siya sa naging reaksyon ko. Medyo nagulat kasi ako dahil ang lalim na pala ng iniisip ko. "Kanina ka pa namin kinakausap pero parang wala ka sa sarili mo. Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong naman sa akin ni Lizeth. Nakatingin na silang lahat sa akin kaya medyo na-c

