CHAPTER 4

1671 Words
ATHENA'S POV "No one can take her away from me." Natigil ako sa paglalakad ng marinig ang pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at natanaw si Ryan na yakap-yakap si Akeesha. Agad na tumulo ang aking mga luha sa nakita. Ako dapat ang nasa posisyon ni Akeesha. Ako dapat ang mahal ni Ryan ngayon at hindi siya. Ako dapat ang ipinagsisigawan niya sa lahat. Sa loob ng anim na buwan, ginawa ko ang lahat para bumalik ang pagmamahal sa akin ni Ryan. Kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan at ilang beses niya akong sungitan, hindi ako sumuko dahil sa pag-asang babalik ang pagmamahal niya sa akin. Ang unfair lang. Ako ang kasama ni Ryan during his darkest days. Ako ang umintindi at nagpasensya sa kaniya noong down na down siya at nag-iisa siya. At ngayong bumalik na si Akeesha, heto ako ngayon, naiwang mag-isa. Balewala na ulit ako kay Ryan. Pinilit kong buuin si Ryan kaya ako ngayon ang basag na basag. "Ang sakit ba?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang biglang tumabi sa akin si Aileen. "Kung ako sa 'yo, hindi ako papayag na maging talunan. I mean, look at you. Miyembro ka na ng Council, ibig sabihin ay ikaw ang pinakamalakas na water elementalist ng ating henerasyon. And look at her, I think hindi na siya isang Legendary Elementalist dahil bumalik na siya sa dati niyang itsura." Humarap ako kay Aileen na sinusundan ng tingin ang papalayong sina Ryan at Akeesha. Magsasalita na sana ako pero hindi ko mahanap ang tamang words na dapat sabihin kay Aileen hanggang sa humarap siya sa akin at ngumiti. "Ano kayang element ang mayroon siya ngayon? Pero the real question is may element pa nga ba si Akeesha?" "What do you mean?" "Alam naman nating lahat na naging tagapangalaga lamang ng apat na elemento si Akeesha. Kung bumalik na ang mga element ng tatlong reyna, at namatay naman si Princess Paira kasama ang element niya, anong natira kay Akeesha? As far as I know, apat lang ang uri ng element na mayroon sa mundo natin." Makahulugang sabi ni Aileen. Napaisip ako sa sinabi niyang 'yon. May sense ang sinabi niya kaya mas lalong naagaw ni Aileen ang atensyon ko. "Sandali, bakit mo sinasabi sa akin ang mga ito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Si Aileen ay kaklase ko noon sa element group dahil pareho kaming water elementalist. Isa rin siya sa naging saksi nang sinaktan ko si Akeesha noong unang araw niya sa academy. Hindi ko siya masyadong napapansin noon dahil tahimik lang siya at laging mag-isa. "Paprangkahin na kita. Saksi ako sa lahat ng kamalditahan mo noon. Pero nawala ang lahat nang iyon nang maging okay ulit kayo ng mga kaibigan mo. Honestly, masaya ako para sa 'yo. Then Akeesha came back, and boom, nawala ka na ulit sa spotlight." "Excuse me!" Pagalit kong sagot sa kaniya. "What? Aminin mo man o hindi, iyon ang nakikita ng lahat." Tatawa-tawa niyang turan. Hindi na ako nagsalita pa. Inirapan ko siya at padabog na tinalikuran. Pero napatigil ako nang muli siyang magsalita. "Do you know John?" Humarap ako sa kaniya. "John? The Fire Elementalist?" "Yes, narinig ko ang pag-uusap nila ng kaibigan niya. Narinig kong natitipuhan niya si Akeesha. Kung hindi nga lang daw nauna si Ryan, baka niligawan na niya ito." "So what's the point?" Mataray kong tanong sa kaniya. "Well, I just give you a hint kung paano mababawi si Ryan. Base kasi sa nakita ko sa 'yo kanina, sobrang nasaktan ka sa narinig at nasaksihan mo. So see you around." Kumindat sa akin si Aileen bago niya ako tinalikuran. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago siya pigilan sa pag-alis. "Wait. Bakit gusto mo akong tulungan Aileen? Hindi tayo magkaibigan." "Well, let's say na tinuturing kitang kaibigan. At ayokong nakikita kang naa-agrabyado." With that, tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin. Hindi na ako nagtangkang habulin o tawagin pa siya dahil malapit na ring mag-umpisa ang afternoon class. Ayokong magpadala sa mga sinabi sa akin ni Aileen pero paulit-ulit na naglalaro ito sa utak ko. Paano kung may paraan pa para bumalik sa akin si Ryan? Paano nga kaya kung mabawi ko ang dapat na sa akin? Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang nasa training ground na pala ako ng water element group. Ako kasi ang naka-schedule ngayon na magtuturo sa kanila. Isa ito sa obligasyon naming apat, ang magturo sa mga element group namin. Simula kasi nang maging myembro kami ng Council, nagkaroon kami ng exclusive training kaya advance na ang kaalaman namin compare sa mga estudyante ng academy. Hindi na rin kami umaattend ng morning class dahil 'yon ang oras ng exclusive training namin. At sa hapon naman ay kami ang nagtetrain sa mga element group or kung minsan ay nag-oobserve lang kami. "Good afternoon Water Elementalist." "Good afternoon Ms. Athena." I scanned all the faces of my students. At napatigil ako nang mahagip ng mga mata ko si Akeesha. "So you're here Ms. Akeesha." Casual kong sabi sa kaniya. "Yes Ms. Athena. Sabi ni Mr. Harold ay dito raw muna ako sa water element group." Sagot naman niya sa akin na ikinataas ng kilay ko. "What do you mean na dito ka muna?" "Honestly, hindi ko alam kung anong element ang mayroon ako." Deretso niyang sagot sa akin. So maaaring totoo ang sinasabi sa akin ni Aileen. Maaaring wala siyang element. Kung ganoon ang sitwasyon, hindi maaaring manatili rito si Akeesha. Kailangan niyang bumalik sa Normal World upang doon mamuhay. "Sinubukan mo na bang palabasin ang element mo?" Marahan siyang umiling sa akin. Medyo ipinagpasalamat ko na rin na dito siya sa element group ko dahil kung totoo ngang wala siyang element ay ako ang unang makakaalam nito. "Okay students, get a partner and train each other. And Ms. Akeesha, I will be the one who will train you." Nagkanya-kanya ang mga Water Elementalist at kami na lang ni Akeesha ang naiwan. Tumingin ako sa kaniya at blangko lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Malayong malayo ang dating Akeesha na takot sa akin noong unang araw pa lang niya sa academy. "Are you ready Ms. Akeesha?" "Yes." "Okay. So hindi naman na siguro bago sa 'yo ito. Palabasin mo ang element mo " Utos ko sa kaniya. Tumango naman siya at nagsimula na siyang magconcentrate. Ipinikit niya ang mga mata niya at huminga ng malalim. Habang sinusubukan niyang palabasin ang kaniyang element ay hindi ko napigilan ang sarili na pagmasdan siya. Hindi ko maiwasan na ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Mas matangos ang ilong ko sa kaniya pero mas manipis naman ang labi niya. Mas mahaba rin ang pilik mata niya pero mas makapal ang kilay ko. Mas maganda ang kulay ng buhok ko pero mas mahaba ang sa kaniya. Napadako ang tingin ko sa kwintas na suot niya. Ang daming nag-aya sa akin na maging date nila sa Foundation Day pero tinanggihan ko lahat 'yon dahil hinihintay kong ayain ako ni Ryan. Pero mukhang wala na akong hinihintay. Sampung araw na lang at Foundation Day na pero wala pa akong date. I think magkukulong na lang ako sa dorm ko sa araw na iyon. Ano bang nagustuhan ni Ryan kay Akeesha? Bakit sa loob ng anim na buwan ay hindi nagawang ibaling ni Ryan ang pagmamahal niya sa akin? Ano bang mayroon sa 'yo Akeesha? "Ms. Athena?" Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tawagin ako ni Akeesha. Hindi na siya nakapikit at nagtatakang nakatingin sa akin. I clear my throat and look at her. "What happened?" "Hindi ko maramdaman ang element ko." Mahina niyang sabi sa akin. "Imposible. Naging Legendary Elementalist ka kaya alam mo kung paano magpalabas at magkontrol ng element." Pinilit kong itinago ang excitement na nararamdaman ko. Masama na kung masama pero matutuwa ako kung mapapatunayan kong walang element si Akeesha at maipapatapon siya sa Normal World. "Hindi ko alam. I'm sorry." Lumapit ako kay Akeesha. "You know the consequences kapag napatunayan natin na wala kang element Ms. Akeesha." "What do you mean?" "Kailangan mong maipalabas ang element mo Ms. Akeesha as soon as possible. Dahil kung hindi, wala akong magagawa kundi ang ireport ito sa mga Senior Council. Dahil kapag wala kang element, ibig sabihin ay isa kang mortal at hindi ka elementalist. And you need to leave the Elemental World." Seryoso kong paliwanag sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Deretso lang siyang nakatingin sa akin at wala akong makitang takot o pagkabahala sa kaniyang mga mata. Weird. Hindi ba siya nababahala na maaaring iwan niya ulit ang Elemental World at si Ryan? "So Ms. Akeesha? What's your plan?" "Ms. Athena, pwede ba akong maging honest sa 'yo?" Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Sa halip na sagutin ako ay binato rin niya ako ng tanong niya. "Go on." "Hindi ka masaya na bumalik ako mundong ito, right?" I chuckled. "Gusto mo rin ng honest na sagot? Well, yes. Hindi ako masaya na bumalik ka pa. Pero don't worry, ako ang trainer mo at professional akong magtrabaho. Kahit na kating-kati na akong awayin ka, hindi ko gagawin dito sa loob ng training ground. Kaya sana, dito lang tayo nagkikita at hindi na sa labas dahil baka kung ano pang magawa ko sa 'yo. Kilala mo ako Akeesha at kung hanggang saan ang kaya kong gawin." "Sobrang honest ng sagot mo. Sana dumating ang araw na matanggap mo rin ako dahil sa totoo lang, gusto kitang maging kaibigan Athena." "Siguro, kung babalik ang pagmamahal sa akin ni Ryan, baka kahit kaunti, pwede pa. Pero sa ngayon, umiwas iwas ka muna sa akin." Pagkatapos kong magsalita ay umalis na ako at pumunta sa mga estudyante ko. Pinanood ko ang mga nagtetraining pero wala doon ang focus ko. Hindi ko alam kung nasaan na si Akeesha at ayoko muna siyang makita dahil nagngingitngit ang kalooban ko. Sa lahat ng ginawa niya sa akin, nagkaroon pa siya ng lakas ng loob na sabihin sa akin ang mga bagay na 'yon. How dare you, Akeesha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD