AKEESHA'S POV Pagsapit ng alas dose ay nagliwanag ang mga kwintas namin. Kusa itong lumipad patungo sa gitna ng dance floor. Nang maipon na ang mga kwintas ay sumabog ito at naging mga maliliit na petals ng bulaklak. "Okay Elementalist. The real party will start NOW." Kaniya kaniyang lapitan ang mga lalaki sa mga babaeng gusto nilang isayaw. Una nang dinumog ay si Athena at hindi na niya malaman kung sino ang unang pagbibigyan. Napatingin ako kay Ryan na kasalukuyang nakatingin din pala kay Athena. "You can dance with her." Mahina kong sambit na nakapagpalingon sa kaniya. "Ha?" "Athena." With just one word ay na-gets na niya ang sinabi ko. Muli siyang tumingin kay Athena na kasalukuyang isinasayaw ni John. Marahil ay nainis itong si Athena kaya si John na lang ulit ang isinayaw niya.

