RYSHA'S POV Sabado ngayon at balak ko lang sanang matulog maghapon. Gusto ko ipahinga ang katawan ko dahil sa isang linggong pagte-training. Ngunit nabulabog ang payapa kong pamamahinga nang katukin ako ni Throy. May pupuntahan daw siya at gusto niya akong isama. Ayaw ko pa ngang sumama ngunit ginamitan niya ako mahika, sa pupuntahan daw namin ay baka sakaling may makita akong gem. Kaya heto, kasa-kasama niya ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero lumabas kami ng academy village at academy. Puro puno na lang din ang nakikita ko at napapagod na ako dahil kanina pa kami naglalakad. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Kanina ko pa rin tinatanong kay Throy kung saan kami pupunta ngunit wala pa rin akong nakukuhang matinong sagot sa kaniya. "Basta. Akala ko ba Psche ka? Bakit

