RYSHA'S POV Ngayon na ang First Ranking Test at halos lahat ng estudyante ay aligaga at taranta na. Papunta na rin kami sa gymnasium dahil doon gaganapin ang ranking test. Iba rin ang suot naming uniform ngayon. Naka T-shirt na white, black shorts at white rubber shoes kaming lahat dahil ito raw ang uniform kapag ranking test. Ayon sa teacher namin ay match daw ang test. First Ranking Test pa lang ay match na agad. Ang dami na rin talagang nagbago sa academy. Pagkarating namin sa gymnasium ay nandoon na ang Senior Council at ang mga Faculty Members. Per section ulit ang pwesto namin at sa may kanang side ang Section A. Katabi namin ang Star Section na lahat ay tahimik na nakaupo lamang. Ganito sila ka-behave kapag may kaharap na Senior Council o Faculty Member. Sa kaliwang side naman an

