RYSHA'S POV "Rysha, ako ba ang may gawa niyan?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lizeth nang makarating kami sa classroom. Naka-uniform na ako at kitang kita ang benda sa kanang braso ko. Nginitian ko naman si Lizeth at imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko rin siya. "Kumusta ka na Lizeth?" nakangiti kong tanong. Humalumbaba naman si Lizeth at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Nakokonsensya ako sa nangyari kahapon. At natatakot na akong gumamit ng element dahil baka hindi ko na naman ito makontrol." Nagkatinginan kami ni Throy pagkatapos ay umupo na siya sa upuan niya. Ako naman ay umupo na rin sa upuan ko sa tabi ni Lizeth. "Alam mo ang nangyari sa 'yo kahapon ay isang pagsubok lamang. Pagsubok na hindi lakas ang tinitingnan kundi ang magiging attitude mo toward sa

