AKEESHA'S POV "Saan ba raw dito ang kay Aling Rose?" naiinis na sabi ni Athena. "Sabi ni Ms. Alexa, nasa kanang side daw, ika-limang bahay," sagot naman ni Riya. Umirap si Athena at nagsimula na ulit siyang maglakad. Agad naman kaming sumunod sa kaniya. Simula kahapon pagkauwi nila ni Ryan ay medyo madalas mainitin ang ulo niya. Hindi niya rin hinahayaan na makalapit sa kaniya si John kaya hanggang ngayon ay hindi pa ulit sila nakakapag-usap. Hindi ko na rin naman tinanong si Ryan kung anong napag-usapan nila ni Athena kahapon. Napagpasyahan naming lahat na bisitahin si Aling Rose at Marie sa Water Kingdom. Simula kasi nang bumalik kami dito sa Elemental World ay hindi pa namin ulit sila nakakausap. Nakakamiss na rin kasi ang kabibuhan ni Marie. At isa, may sadya kami kay Aling Rose ka

