RIYA'S POV "Ibig niyong sabihin ay hindi niyo nahanap ang ina ni Akeesha?" Nandito kami ngayon sa loob ng conference room. Pagkarating kasi namin ng academy ay dito na kami pinaderetso ng Senior Council. Si Akeesha at Marie lang ang pinalabas upang hindi nila marinig ang pag-uusapan namin. Naikwento na rin namin sa kanila ang mga nangyari sa Normal World. "Kinailangan na rin po kasi naming umalis dah nakita ng mga tao ang element ng bata," paliwanag ni Athena. "Kahit manatili pa rin sila doon para hanapin siya, sa palagay ko ay hindi na nila ito makikita," singit naman sa amin ni Aling Rose. Nagkatinginan kaming dalawa ni Athena habang si Ms. Kira ay napataas ang kanang kilay. "At paano mo nasabi 'yun Ms. Rose?" tanong naman ni Ms. Alexa. "Sa ilang taon kong pamamalagi sa Normal Wor

