WYNN’S POV Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakasandal ako sa aking swivel chair. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ang aking sintido. Ramdam ko ang pamilyar na t***k ng migraine na tila ba binabayuhan ang loob ng bungo ko. Sa labas ng malaking salamin ng aking opisina, tanaw ko ang kumukititap na mga ilaw ng siyudad, mga ilaw na tila walang kapaguran, kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang matapos ang photoshoot para sa Luxora x Eternal Glow campaign. Pero kahit anong pilit kong mag-focus sa trabaho, tila minumulto pa rin ako ng bawat segundo ng gabing iyon. Nararamdaman ko pa rin sa aking balat ang lamig ng artificial rain, ang bango ng pabango ni Icevy na humahalo sa amoy ng ulan, at ang nakakalunod n

