CHAPTER SIXTEEN - Ms. Beu/Photoshoot

1775 Words
ICEVY POV. Ilang araw lang ang lumipas tuloy pa din ang pag e-ensayo ngunit kahit pa kulang ang aking natutunan ay pinasok na agad ako sa isang photoshoot tulad ng napag-usapan. Nabigyan na din kasi ito agad ng schedule noong nakaraan pa. Labis na ikinatuwa ko ng first time kong makita sa personal ang sikat na CEO na si Miss Beu na dati ay sa mga billboard lang at sa cellphone ko lang siya nakikita. Nagyakapan kaming dalawa at nag beso beso sobra tuloy akong kinilig at abot tenga ang aking mga ngiti. "Thankyou for accepting this Ms. Icevy" usal nito. "Walang anuman po" sambit ko naman. Ipinunta muna niya ako sa lamesa kasama ang iba pa niyang naimbitahan na ambassadress. Saglit kaming iniwan ni Ms. Beu ngunit sinabi niyang magsimula na kami kumain. "Ow, ikaw 'yung new ambassadress ni Jeeson right?" usal ng babaeng nasa harap ko tumango naman ako kaagad. "Hi, I'm Nady" pagpapakilala niya. Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay at nagpakilala. "Icevy, nice to meet you all" nakangiti kong sambit at inilibot sa kanilang dalawa ang aking paningin. "Huwag ka mahiya, mga bagong influencers lang din kami sa t****k 'no. Ngayon lang din namin makakasama si Miss Beu." sambit naman ng isa pang babae na katabi ni Nady. "I'm Jasmine" dagdag pa niya. Nakahain ang masasarap na pagkain sa aming harapan, habang ang mga plato ay talagang mamahalin kaya naman ginamit ko ang natutunan ko kay Tela lalo na't may salad at puro dessert ang nandito at naka beef steak sila at mga seafoods. "Ahm, miss Nady, Jasmine and Icevy after you'll eat, go to the makeup room to get ready thank you and eat well guys" masayang sambit ng isang gay na biglang sumingit sa aming paguusap, halatang makeup artist dahil sa hawak niyang brush naka itim ito at pagkatalikod niya ay may naka sulat na 'staff'. Ngayon alam ko na kung bakit ako tinuroan ni Tela ng mga ganito. No'ng una hindi ko pa naisip kung bakit, ngayon alam ko na kung anong silbi ng kaniyang mga sinasabi at kung gaano ito kahalagang matutunan bilang isang guest ng mga sikat na CEO. Sa mansion ni Miss Beu gaganapin ang photoshoot dahil may sariling Photo Space o Photo Studio si Miss Beu na talagang nadaanan ko pagkapasok ko sa kaniyang mansion kanina. Nasa terrace nila ang aming mga P.A. at doon sila kumakain dahil din sa pang apat at hanggang limang tao lang ang kakasya sa mamahaling table ni Miss Beu. Sobrang bait ni Miss Beu dahil sobrang hinhin ng pananalita niya sa bawat mga tauhan niyang kasama niya dito sa may bahay kaya din siguro mababait ang lahat ng tao dito kahit pa ang mga editor niya. Masayang natapos namin ang pagkain namin at nagpahinga lang kami saglit bago kami pumasok sa makeup room. Pagdating namin dito sa loob ay kasama na din pala dito ang dressing room dahil agad kaming pinapasok dito at pinapili ng susuotin. Ang product pala ni Miss Beu ay mga pampaputing mga capsules na nagkakahalaga ng 5,000-7,000 pesos ang isang maliit na bottle nito isa din ito kung bakit siya sumikat dahil sobrang effective at safe gamitin ang mga ito. May mga pampa sexy din siyang powder na tinitimpla at ang pinaka mabenta niyang feminine wash. Matapos naming mamili ng susuotin ay nagbihis na agad kami. Lahat kami ay naka red at white na kulay depende sa gusto naming pang top, may mga dress din dito. VesgGlory ang pinili kong top na kulay red at mermaid naman ang style ng napili kong palda na kulay white napa silky ng texture nito. Halos lahat ng top dito ay sobrang revealing talaga ngunit hindi ko na lang ito pinansin dahil ayoko din na mag inarte pa lalo na't busy na ang lahat at alam ko din na wala akong karapatang mag reklamo. Super sexy nga e bet na bet pang photoshoot. Agad kaming pinaupo at inumpisahan nang ayusan ang mga buhok namin habang ang iba ay abala na sa aming mga mukha. "Infairness ah, sobrang kinis ng face mo aylabet!" Sambit ng gay na nag me-makeup sa akin. "Thankyou po" masayang sambit ko. "Anong gamit mong zonrox ng magamit din" dagdag pa niya kaya naman nagtawanan kaming lahat dito. Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos din ang lahat. Nang lumabas kami sa makeup room ay naka handa na lahat maski ang mga ilaw at ang background namin. Nasa gilid na din ang mga product na gagamitin sa photoshoot. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga taong naririto. Tila ba nananaginip lang ako ng gising ngunit kung panaginip ito ay ayoko na din na magising pa. Ni hindi sumagi sa isip ko na maging kabilang dito dahil ang gusto ko lang ay umangat sa buhay o magkaroon ng pera. Tinawag na ako kaya naman mabilis akong tumungo doon at hindi ko na muna inintindi kung paano ako namamangha sa sarili ko at sa mga taong naririto, umupo na ako sa kung saan nila ako pinapaupong puwesto. "Okay, dikit dikit kayo ng face. Nady sa taas ka tapos sina Icevy at Jasmine magdidikit ang face tapos fierce na muna" sambit ng photographer at sinunod naman namin ito. "Nady medyo idikit mo pa" dagdag pa niya. Ngayon ay nasa kalagitnaan na ako agad ng photoshoot kahit kulang pa ang aking kaalaman ay naranasan ko na agad ang mga ito, bigla rin kasi nagsibagsakan ang messages ng mga CEO at ibang mga businessman at businesswoman sa email ko at sa email na din ni Jeeson kaya naman halos araw-araw na nito may ganap ako dahil na din sa schedule na nakita ko kanina. Ang iba ay ang darating na mga pang commercial ko, Collab sa isang sikat din na CEO, photoshoot sa iba't-ibang bagong sikat na brands at kinukuha na din ako sa mga brands ng relo at bags. Hindi ko inakala na ganito kabilis, at si Jeeson ang nagpapagalaw sa mga ito pinagpo post niya ang iba kong picture mula sa aksidenteng photoshoot, gumawa siya ng page ko sa f*******:, ginawan ng new account sa i********: at maski sa YouTube at ako ang pinagawa niya sa password nito upang ako ang humawak. Nagkaroon na din ako ng 100k followers sa ginawa naming account sa t****k noong nakalipas lang na nakaraang linggo. Habang isinasagawa ang photoshoot ay sumi segway akong magbasa ng dictionary lalo na kapag break time. Hanggang sa inabot na kami ng hapon tatlo hanggang limang beses din kami magpapalit ng outfit at ng background pati makeup and nail extension pati na rin style ng aming buhok. Talagang ang limang photoshoot ay ginagawa namin ngayon sa buong araw. Kaninang umaga kami nag start at ngayon ay alas tres na. Nang mag break time ay naisipan kong magbukas ng cellphone at nakita ang message ni Mica. Nag-aaya siyang lumabas kaya naman kahit hindi ako sure na matatapos agad ng maaga ang photoshoot ay nag oo na agad ako. Nabo-bored daw siya kaya naman gusto niya sa Park kami magkita mamaya dahil may pa fireworks daw ngayon doon at masarap maginom. Nararamdaman ko na ang pagod ko ng makaupo ako sa couch grabe ang pagod ng mga hita ko dahil sa taas na din ng heels at mga kuko ko na matutuklap na dahil sa pagpalit ng mga nail extension at ang ulo kong sobrang bigat dahil sa hair extension na din. "Pagod ka na ba?" ani ni Stacy habang inabutan ako ng isang tasang kape na ibinigay ni Miss Beu sa aming tatlo nila Nady. Tumikhim na muna ako bago nagsalita. "Oo ang sakit na din ng balakang ko" sagot ko sa kaniya "Tyaka pala aalis pala ako after the photoshoot. I'll go out later with Mica" pagpapaalam ko sa kaniya. "Hmm okay titignan na lang ni Tela mamaya schedule, if wala ka naman pupuntahan bukas okay lang" sagot pa niya. "Okay, thankyouu" sambit ko at niyakap siya. Matagal na kaming hindi nagkakasabay ni Mica at namimiss ko na din siyang ka chikahan. Kaya naman pumayag agad ako na lumabas kasama siya. "Double time guys, para maaga tayo matapos. Next photoshoot na" sambit ng isang staff. Agad kaming tumayo at tumungo ulit sa dressing room at nagpalit muli ng damit. Habang ang ibang staff ay pinapalitan na ang itsura ng background at inaayos ang lighting ng mga ilaw at iniibahan na din ang mga angle ng camera. Ilang saglit pa ay narinig namin na sumigaw ang isang staff na tapos na ang photoshoot, nagsigawan kami dahil sa sobrang saya at pagod. Agad akong dumeretso sa banyo at tinanggal ang aking mga suot. Sinuot ko ulit ang trouser ko na black at blouse na kulay dark blue na medyo ma silky. Naka heels din ako ng black at white na maliit na bag, ito lang ang dala ko kanina. Hindi ko na tinanggal ang ayos ng buhok ko at makeup ko dahil nagmamadali na din ako. Nagchat na din kasi si Mica na andoon na siya sa Park kung saan kami magkikita. Nagpaalam kami kina Miss Beu at sa iba ko pang mga kasama masaya din kami na nagpaalam. Nakakamiss ang mga bonding kasama ng mga staff at ibang ambassadress alam kong magkikita-kita pa kaming lahat. Paglabas namin sa mansion ni Miss Beu ay nakaabang na ang kotseng itim kung saan ay kasama ang driver ko at si Tela. Pagkabukas ko ng van ay bumungad agad si Tela kaya naman nakangiti itong nakatingin sa amin. "Kamusta naman ang photoshoot?" Tanong niya. "Hmm, sobrang saya nila kasama pero nakakapagod din hays " isinandal ko ang aking likod at parang nalantang gulay tuloy ako. Pinikit ko ang mga mata ko habang umaandar ang van. "Saan ka namin ibababa Icevy?" Tanong ni Stacy. "Bakit may pupuntahan siya?" Takang tanong din ni Tela. "Mm, lalabas daw siya kasama ang kaibigan niyang si Mica e" sagot naman ni Stacy. "Okay sige wala naman siyang ganaps bukas e" si Tela. "Sa Park lang kami, do'n sa malapit sa Star Mall" nakapikit pa din ang mata kong usal. Ilang saglit pa ay ginising na nila ako dahil andito na daw kami sa Park kaya naman inayos pa ni Stacy ang aking buhok at damit bago ako tuloyang bumaba. Nawala tuloy agad ang antok ko. "Tatawag na lang ako agad mamaya" nakangiting saad ko. "Oh sige tapos sundoin ka na lang namin agad kapag tumawag ka, huwag kang lalayo ha? dito na lang kayo gabi na din kasi" sagot ni Tela. "Okay sige, ingat" nakangiting sambit ko. Kumaway pa ako habang papalayo na sila. Nang pagka harap ko ay nakita ko si Mica sa hindi kalayuan, nakatulala sa akin ngunit ngumiti na lang ako at kumaway sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD