CHAPTER 8

2187 Words
NAPALINGON siya ng kalabitin SI Jared ni Dylan. "Bakit?" Takang tanong niya rito. Tinuro nito ang paparating na si Jessica. "Pagkakataon mo na." Pagkasabi niyon ay tinawag nito si Jessica at iminwestra na maupo sa mesa nila. "Jessica!" Napalingon naman ang dalaga. "Ano nanaman ang kailangan mo Dylan?" Tanong nito kay Dylan ng makarating sa mesa nila at umupo na din. "Hindi ako ang may kailangan sayo." Sabi naman ni Dylan at itinuro siya. "Si Jared." Timingin naman si Jessica sa kanya. "Oh Jared, mukhang wala kang babae ngayon ah..". May pang uuyam na sabi nito sa kanya. "Wala akong babae." Simpleng sagot niya. Napataas naman ang kilay nito sa sinabi niya. "Ano naman ang kailangan mo sa akin? The last time I checked ay magkaiba tayo ng course." Tanong muli nito sa kanya. "It's about Samantha." Simpleng sagot niya. "What about Sam?" "I just want to know, if what she likes and dislikes." Tiningnan siya nito ng mabuti na wari ba ay pinag aaralan ang mukha niya. "At bakit mo naman kailangang malaman ang mga iyon?" "Hindi pa ba halata? Gusto niya si Samantha." Si Dylan ang sumagot para sa kanya. Tiningnan na naman siya nito. "At bakit naman kita tutulungan? Eh nakikita kitang iba't ibang babae ang kasama mo araw-araw. Hindi ko ipagkakatiwala ang kaibigan ko sa isang katulad mo." Sabi nito sumubo ng pagkain nito. "To be honest gusto sana kita para kay Sam kaso babaero ka. Hindi kayo bagay. " "Ginawa ko lang iyon para pagselosin si Sam." Dipensa niya rito. Totoo naman iyon. Sa halip na magsalita at tumawa ito ng malakas at napahampas pa sa lamesa. Nagkatinginan sila ni Dylan. "I'm sorry, I just can't help it." Sabi nito pagkatapos tumawa. " So you mean, na kaya iba-iba ang babaeng kasama mo ay dahil gusto mong pagselosin si Sam?" "Yes." "You're hopeless. Alam mo bang sa aming magkakaibigan, kung si Georgina ay taong bato ay si Sam naman ang pinaka manhid. Kaya kahit tumambling ka pa sa harap niya. Kung hindi ka magtatapat sa kanya ay hindi niya malalaman na may gusto ka sa kanya." Uminum ito saka muling nagsalita. "Sa tingin mo ay uubra kay Sam ang pag papaselos mo? Tsk tsk. You don't know anything." Iiling ilng pang sabi nito. "Kaya nga kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya rito. "Kailangan kong makuha ang puso niya bago pa makuha iyon ng asungot na kuya ni Georgina." Frustrated na sabi niya. "Wala kang laban kay Iñigo." May pang uuyam na sabi nito. "Alam mo bang matagal nang crush ni Sam ang kuya ni George?" "W-what?!" Lalong lumaki ang panalo nito sa kanya. "May gusto siya sa lalaking iyon?" Sumandal ito sa hamba ng upuan nito. "Yes. Sa pagkakaalala ko ay high school palang ay crush na niya si Iñigo." Parang bumagsak ang langit at lupa sa narinig niya. Lalong lumabo ang pag asa niya. "Well. Hindi pa naman sila hindi ba? Kaya may pag asa pa si Jared." Sabi ni Dylan. Tinapik pa nito ang balikat niya. Nag isip naman ito. " May point ka naman doon." Tiningnan siyang muli nito. "Bigyan mo ako ng mabigat na dahilan para tulungan kitang mapaibig si Sam." Pag hahamon nito sa kanya. "Hindi pa ba sapat na sinabi niyang gusto niya si Sam?" Tanong ni Dylan. "Hindi." Sabi ni Jessica. "Sa hinihingi niyong pabor ay maaaring magtampo sa akin si Georgina. Kaya gusto kong malaman if, worth it ba ang gagawin ko." Sumeryoso siya. At humarap rito. " I love Sam and I will never hurt her." Tinitigan siyang mabuti nito. Sa paraan ng pagtingin nito ay parang pinag aaralan nitong mabuti ang mga sinabi niya. Maya maya ay ngumiti ito. "Okay, you have my vote." ----- BIGONG makahanap ng part-time job si Samantha ng gabing iyon. Pagka-out na pagka-out niya sa café Freyja ay nagtungo agad siya sa job interview niya sa isang restaurant. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya natanggap. Hindi dahil sa hindi siya qualified. Ito ay dahil sa oras ng availabilty niya. Ang oras kasi na binigay niya ay 8 pm to 11 pm ng gabi ngunit ang gusto ng may ari ng restaurant na inaapplyan niya ay 5 pm sya pumasok. Masyadong conflict sa schedule niya kaya hindi nalang niya tinanggap ang trabaho. Hindi niya maaaring isa alang-alang ang coffee shop dahil importante ito sa kanya. Papalabas na siya ng restaurant na pinag applyan niya. Nang tumunog ang cellphone niya. Sinipat niya iyon at si Jessica pala ang natawag kaya sinagot niya agad iyon. Hello?" Sabi niya sa kabilang linya. "Nasaan ka ngayon?" Tanong nito. "Pumunta ako sa restaurant na inapplyan ko. Pauwi na ako bakit?" Ikinwento niya kasi kay Georgina at Jessica na mag aapply siya ng isang part time dahil hindi sumasapat ang kinikita niya sa coffee shop sa mga gastusin niya. Pinigilan siya ng dalawa na ituloy ang binabalak dahil baka hindi na kayanin ng katawan niya ngunit nagmatigas naman siya. Kailangan niya ng pera lalo pa at malapit na siyang bumisita sa kanyang ina. "Tanggap ka ba?" "Hindi, masyadong conflict ang schedule sa pagtatrabaho ko sa coffee shop. Baka mag hanap akong muli ng aapplyan na pwede ang 8 to 11pm na schedule." Sabi niya rito. Tumawid na siya ng kalsada upang sumakay ng bus pauwi sa apartment niya. "May alam akong part-time job." Napatigil siya saglit sa paglalakad at nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito. "Ano naman part-time job iyan?" Curious na tanong niya rito. Narinig niya ang pag buntong hininga nito. "Madali lang ang trabaho. Magluluto ka lang ng hapunan." Kumunot ang noo niya. May ganun bang part time job? "Anong klaseng part-time job iyan?" "May classmate kasi akong wala ng time mag asikaso ng bahay pag uwi kaya naghahanap ng pwedeng magluto tuwing gabi. Huwag kang mag alala. Maganda ang swelduhan. 500php per hour." Lalung kumunot ang noo niya. Parang imposible naman ang ganon. Dahil ang buong araw niya ngang pag duduty sa coffee shop ay umaabot lang ng 600php. Pero sa sinasabi nitong part time na magluluto lang ay 500php per hour ang bayad? Paano nalang kung makatatlong oras siya sa pag luluto? "Sigurado ka ba na ganyan kalaki ang bayad per hour? I mean hindi ba masyadong malaki iyon kung ipagluluto ko lang ang classmate mo?" Takang tanong niya rito. "Ganun talaga yung bayad niya sa mga nagtatrabaho sa kanya. Mababa pa nga yun ehh dati raw at 1000php per hour ang binabayad niya. Mayaman kasi yun." Pahayag nito. Kung mayaman nga ito siguro nga ay makatarungan ang bayad nito. Marahil ay wala na itong pamaglagyan ng pera nito. "Kailan ako pwedeng magsimula?" "Ah.. ehh. Ngayon na. Pwede kana ba ngayon?" "Huh?" Tumingin siya sa kanyang wrist watch. 8 pm na pala. "Oo pwede ako. Saan ba ang bahay ng classmate mo?" Pagkasabi ng lugar kung saang condo unit nakatira ang classmate nito ay agad na siyang sumakay ng bus upang makarating sa tinitirahan nito. Nang makarating siya sa building kung saan nakatira ang dating classmate ni Jessica ay nalula siya sa taas ng building. Mukhang mayaman nga ang taong iyon. Sa hitsura palang ng building ay halatang mga mayayaman talaga ang nakatira doon. Habang papalapit sa condo unit na dapat niyang puntahan ay binilang niya kung ilang condo unit ang naroon. Sa isang floor ay nakita niyang anim lang ang unit. Mukhang malalaking unit ang nandoon. Pagkarating niya sa tapat ng condo ay agad din naman siyang nag doorbell. Inayos niya ang kanyang sarili. Mas magandang presentable ang hitsura niya pag nakita siya nito. Maya maya ay bumukas na ang pinto. Napaangat siya ng tingin upang batiin ang magiging amo niya. "Hi! Ako nga pala s-" Nabitin ang sasabihin niya ng makita kung sino ang nasa pinto. Walang iba kung hindi si Jared. "Jared?! Anong ginagawa mo rito?" Kahit ito ay nagulat ng makita siya. "Bahay ko ito. Ikaw anong ginagawa mo rito? " ----- "JESSICA, what is this?" Jared asked on the other line. He is talking to Jessica now. He immediately called her when Sam mentioned that he was the one who said that he was looking for a cook and a dishwasher. Hindi niya alam na ganun pala ang plano nito dahil kanina, ng pinaki-usapan niya ito na tulungan siya para mapa-ibig si Sam ay pumayag naman ito at sinabing may maganda itong plano. Hindi niya lang alam na ito pala ang paraan na sinasabi nito. "What? You want to be with her, right? Ayan. Makakasama mo siya gabi-gabi. Pwede mo na siyang pa-ibigin ng hindi niya namamalayan." Sabi nito sa kabilang linya. "I want to be with her and make her fall in love with me but not in this kind of way." Sinilip niya si Sam na nakaupo sofa at ngumiti ng makita niyang nakatingin ito sa kanya. "Ayaw kong magtrabaho siya para sa akin." "Kung hindi siya mag-tatrabaho sayo ay hindi ka mapapalapit sa kanya. " Napaisip siya sa sinabi nito. May punto nga naman kasi ito. "Alam mo naman na trabaho ang importante kay Sam." Paalala pa nito. Ito nga ba ang dapat niya gawin upang mapalapit ng husto sa dalaga? "Pero kasi-." "No buts." Putol nito sa sasabihin niya. "Ito lang ang maaaring paraan para mapalapit si Sam sayo. Sige na kailangan ko pang pag-aralan ang mga projects sa school. By the way ang sinabi kong ibabayad mo sa kanya ay 500 php per hour. Ikaw na ang bahala. Bye." Pagpapaalam nito sa kanya. Napatingin na lang siya sa cellphone na hawak. Wala namang problema sa ibabayad kay Sam. Kahit 5,000 php pa ang sinabi ni Jessica ay handa siyang mag bayad makasama lang ito. Ang problema niya ay paanong diskarte ang gagawin niya sa dalaga para mapalapit sa kanya? Ano na ang sasabihin niya sa dalaga. Hindi man lang siya inabisuhan ni Jessica. Sana ay nakaisip siya ng gagawin. Naglakad siya patungo kay Sam. "I'm sorry. Nasabi ko kasi kay Jessica na kailangan ko ng tagaluto noong nagkausap kami. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang papupuntahin niya rito." Tumayo sa pag kakaupo si Sam. "Si Jessica talaga." Mahinang bulong nito at hinarap siya. " Okay lang. Kailangan ko naman talaga ng part-time ngayon. Kumaen kana ba? Saan ang kusina mo? Para makapag simula na ako sa trabaho." Itinuro niya ang kusina. Naglakad na ito patungo doon. He really can't believe it. Is Sam really at his house now? What will he do? How will he use this opportunity to get closer to her? Sumunod siya rito sa kusina, gusto niyang panoorin ito habang nagluluto. Naabutan niya ito na ininspeksyon ang laman ng refrigirator. "Wala namang maluluto rito." Narinig niya sambit nito habang naghahanap pa rin ng mailuluto loob ng ref. "Pasensya na. Madalas kasi ay sa labas ako kumakain." Sagot niya rito. Ngunit mukhang hindi nito inaasahan na naroon siya dahil narinig niya ang pagkalabog sa loob ng ref. Mabilis naman niya itong dinaluhan. Nakita niyang nakasapo ito sa ulo nito at akmang tatayo ito, ng mauntog na naman ito. "Aray!" Hiyaw nito. "Bakit ba kasi nang-gugulat ka?" Paninisi pa nito sa kanya. Inalalayan niya itong makatayo pagkatapos ay tiningnan niya kung malala ba ang pagka-untog nito. "Sorry na, hindi ko alam na magugulatin ka pala." Sinipat niya ang noo nito. Hinawakan niya ang mukha nito. Nakapikit ito habang nakatapat ang mukha nito sa mukha niya. Tinitigan niya ang noo nito. Pababa sa kilay nito na makapa at bumagay lang sa maganda nitong mga mata. Ang ilong naman nito ang sunod na tiningnan niya. Matangos iyon na bumagay naman sa hugis ng mukha nito. Hanggang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito na mapupula at mukhang napaka lambot. Naalala niya tuloy ang munting aksidente na nangyari sa kanila noong nakaarang buwan. Saglit lang ang halik na pinagsaluhan nila ngunit sapat na iyon para hanap hanapin niya ang mga labi nito. Hindi niya napigilang hawakan ang mga labi nito. Nagulat si Sam at itinulak siya palayo. "A-ano bang g-ginagawa mo?" Gulat na tanong nito. "S-sorry." Pati siya ang nagulat sa ginawa. "Tinitingnan ko lang kung pati ang labi mo ay natamaan." 'Damn! Anong klaseng palusot iyan Jared?' Tanong niya sa sarili. Diskumpyado siyang tiningnan ni Sam ngunit hindi na ito muli pang nagsalita. Bumuntong hininga na lamang ito "Anong iluluto ko sayo? Wala namang pwedeng lutuin sa ref mo." Sa halip ay tanong nito sa kanya. Sinilip niya ang refrigerator niya at nakita niyang wala ngang laman iyon kung hindi tubig. Ano nang gagawin niya? Baka bigla nalang tong magpaalam sa kanya dahil wala naman mailuluto sa bahay niya. Ngayon ay nag sisisi siya kung bakit hindi siya regular na nag go grocery. 'Grocery?' tanong niya sa isip. Ou nga ano? Hindi niya naisip iyon. Tama yayayain niya nalang ito mag grocery. Sinipat niya ang relo sa kanyang pulsohan. Mag aalas nuwebe palang pwede pa silang mag grocery. Isinara niya ang ref at humarap dito. "Samahan mo akong mag grocery." Sabi niya rito. "Hindi ak-" Hindi na niya pinatapos itong magsalita. Lumabas na siya sa kusina at nakangiting nagtungo sa kwarto niya upang kunin ang kanyang wallet at ang susi ng sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD