"HEY." Napalingon si Samantha kay Georgina na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya. "No class?"
Nasa canteen sila ngayon at dahil wala ang prof niya sa first period ay na pag-pasyahan niyang dito na lang muna pumunta. Nagugutom din siya dahil hindi siya nakapag almusal kanina.
Hindi siya nakatulog buong magdamag kakaisip sa napag usapan nila ni Jared. Nagkasundo kasi sila na bibigyan niya ng pagkakataon ang binata. 'Isang buwan.' Sa isang buong buwan ay liligawan siya ng lalaki.
Sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Dapat niya ba talagang pagbigyan si Jared? Naiisip niya na baka lalo lang nitong paguluhin ang buhay niyang magulo na. At paano kung masaktan lang siya sa huli? Alam niyang mag kaiba ang estado ng buhay nila ni Jared at masyadong maimplowensya ang tatay nito. Paano na siya?
'Manliligaw pa lang si Jared. Ang layo na nang narating ng utak ko.' ipinilig niya ang ulo sa naisip.
Umiling siya. "Wala yung prof namin sa first period kaya pumunta muna ako dito. Nagutom din ako dahil wala akong almusal."
"Saan ka nga pala nagpunta kahapon? Tinawagan ako ni kuya kagabi. Tinatanong kung magkasama tayo dahil iniwan mo daw siya sa sinehan."
"I already called him." Uminom muna siya ng tubig. Mahaba-haba kasing paliwanagan ito for sure. "Nag usap kasi kami ni Jared."
"Anong pinag usapan niyo? hin-arass ka ba niya?" Tanong nito sa kanya.
"No. Hindi, we just talked. Manliligaw siya sa akin." Sagot niya rito.
Kumunot ang noo nito. "Manliligaw? What do you mean by that?"
"Susuyuin niya ako." Sagot niyang muli.
"And why is that?" Tanong nitong muli sa kanya.
"He said that he likes me. No scratch that. He said that he loves me." Sabi naman niya rito.
"At naniwala ka naman? Alam mo kung gaano siya ka babaero Sam." Napapalatak ito at tumingin sa kanya. "Don't tell me.."
Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin. Marahil ay alam na nito ang dahilan kung bakit siya pumayag magpaligaw kay Jared.
Tumingin siya rito ng deretso. "Yes, I like Jared."
"A-are you out of your mind?" Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "Hindi ko rin naman alam kung bakit gusto ko siya. Basta pag nakikita ko siya or kasama ay hindi ko maipaliwanag ang saya ko. I never felt that feeling before."
"You're unbelievable. Akala ko ba si kuya ang gusto mo?" Naguguluhang tanong nito sa kanya.
"Yan din ang akala ko. Pero iba ang nararamdaman ko kay Jared. I don't know. Ang alam ko lang ay gusto ko siya." Hopeless na sabi niya.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Are you sure about your decision?" Tumango siya. "I will do background check on him."
Natawa siya. Kahit kailan talaga tong si Georgina. "You don't have to do that. Anyway kung may hindi naman ako magustuhan sa kanya ay madali naman siyang bastedin ehh. Kaya relax ka lang."
"Ayaw ko lang masaktan ka." Sabi nito sa kanya.
"I know. Ang suwerte talaga namin ni Jessica sayo."
Ngumiti ito sa kanya ngunit agad ding nawala iyon ng lumingon ito sa likod nila. Siya naman ay na- curious din kaya nilingon niya din ang tinitingnan nito.
Parang tumigil naman ang oras nang makita niyang naglalakad si Jared sa canteen habang masayang kausap si Dylan. Napakagwapo talaga ng dalawa. Kaya hindi kataka-taka na maraming nagkakagusto sa dalawa. Habang naglalakad nga ang dalawa ay kulang nalang magpapicture at magpa autograph ang mga kababaihan sa mga ito.
"Napaka yayabang talaga. Feeling nila sila ang pinaka gwapo dito." Inis na sabi ni Georgina.
"Sila naman talaga ang pinaka gwapo dito." Sabat naman ni Jessica na nakaupo na sa harap nila.
"Huwag ka namang mang gulat." Sabi niya rito.
"Kayo kasi ehh. Masyado kayong busy sa mga lovey-doves niyo. Hindi niyo tuloy napansin ang presensya ko."
Umingos naman si George. "Pwede ba Jessie tigilan mo ako sa lovey doves na yan. Hinding hindi ako magkakagusto sa Dylan na iyan."
"I never mentioned Dylan's name." Tumingin si Jessica kay Sam. "Mukhang may something na sila ni Dylan. What do you think?"
"I don't know. Maybe." Simpleng sabi niya.
"Hi girls! Pwede bang makiupo?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita.
'Speaking of the devil.' It was none other than Dylan. Kasunod nito si Jared na nakatingin sa kanya. Agad namang lumakas ang pintig ng puso niya.
"Of course. Take a seat." Si Jessica ang sumagot dito.
Umupo ang dalawa. Si Dylan sa tabi ni Georgina at si Jared naman ay sa tabi niya.
"Hi!" Bati ni Jared sa kanya. Tiningnan nito ang kinakain niyang sandwich. "Bakit yan lang ang kinakain mo? You should eat more. Kaya ang payat payat mo eh. Here." Inumang nito sa bibig niya ang spaghetti na pagkain nito na wari'y susubuan siya.
Kunot noong tiningnan niya ito. "Kaya kong kumain mag isa." Akmang itutulak niya ang kamay nito ng iiwas ng lalaki ang tinidor na hawak.
"Let me. This is me courting you." Inilapit nanaman nito ang tinidor sa bibig niya.
"Kainin mo na kasi. Huwag ka ng magpakipot dyan Sam." Sabi naman ni Jessica.
Kaya wala siyang nagawa kung hindi kainin ang harap niya. She saw Jared smile. Ngiting wagi.
"I'm out of here." Sabi naman ni George at tumayo dala ang pagkain niya.
"George sandali." Agad din namang sinundan ni Dylan ang babae. Mukhang may something na ang dalawa pero hahayaan niya na lang si George. Alam niyang magku-kwento naman ito kung gusto nito.
"Alis na din ako. Ayaw kong maka istorbo sa inyo." Sabi naman ni Jessica na tumayo na rin at umalis.
"Hay sa wakas na solo din kita." Sabi ni Jared ng maiwan na silang dalawa sa mesa.
Hinarap niya ito. "Ano bang pinag-gagawa mo?"
"What? I'm just being a gentleman here. Sabi sa nabasa kong article. Gusto daw ng mga babae ang pinapakain sila ng mga lalaki."
"Well I don't. May kamay ako." Sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain ng sandwich. Inurong naman nito ang tubig na dala nito sa kanya.
"Inum ka muna. Baka mabilaukan ka."
Kinuha niya ang tubig na dala nito at ininum iyon. "Wala ka bang klase ngayon?"
"Meron." Sagot nito habang nakapangalumbaba sa sa kanya.
"Bakit nandidito ka?"
"I want to see you. Mas importante ka sa akin kaysa sa pag aaral ko." Nakangiti pang sagot nito sa kanya.
Binatukan niya ito. "Aray! Bakit ka ba na nanakit?" Sabi niyo habang kumakamot sa ulo.
"Ayoko sa mga lalaking walang pangarap sa buhay. Hindi porque mayaman ka ay pwede ka ng mag pa easy easy sa buhay mo. Pumasok ka." Pinalo palo niya pa ito sa braso hanggang sa tumayo ito.
"Grabe ka naman. Gusto ko lang naman na makasama ka ng mas matagal."
"Tigilan mo ako. Pumasok kana."
"Okay sige. Kita nalang tayo mamaya ah." Kumindat pa ito bago umalis.
Napailing nalang siya. Masyado talagang makulit si Jared.