Chapter 43

1467 Words

Dei's POV "Oh Dei, nandito ka pala?" gulat na sabi ni Kuya Sam nang makita niya akong pababa ng hagdan. Kasalukuyan silang nanonood ni Kuya Mike ng TV. Tanghali na pero kagigising ko lang at ramdam ko ang mala zombie kong itsura. Gulogulo ang buhok ko. Tumabi ako kay Kuya Sam sa couch at yumakap ako sa kanya. "Asus! Naglalambing ang bunso namin." Kuya Sam. "Ang daya kuya!" mahina kong sabi. "Hoy Dei, may problema ka ba?" tanong ni Kuya Mike na nasa katapat naming couch. "Ang daya daya kuya!" I said then I sobbed. Lumayo si Kuya Sam at hinawi 'yong magulo kong buhok na tumatakip sa mukha ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "What happened? Bakit namumugto ang mata mo? umiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong niya kaya lumapit si Kuya Mike at halatang nag-aalala na rin. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD