Tahimik na nanag mamasid si Althea sa buong kabahayan habang inaalalayan sya ng papa nya papasok. Napansin talaga nya na anak ang turing sa kanya ng mag asawa bagay na kahit papano nag papakalma ng puso’t isip nya, kahit papano pala meron mga taong may mabuting puso na kinupkop sya at itinuring na anak sa kabila ng di nila magkadugo. Gustong mapangiti ni Althea ng makita ang mga picture nya na naka display sa sala ng bahay ng mag asawa. Nag effort talaga ang mga ito na bigyan sya ng bagong identity ng mga panahon na wala syang alala. Mga peke ang lahat ng picture na nasa sala from the picture na nag graduate sya ng high school maging ang picture na naka nursing uniform sya. Meron pa syang diploma roon na naka ukit ang pangalan na ginamit nya, Nicole Devanadera. Ano kaya ang naging una

