Kanina pa nakatulala si Nicole sa cellphone nya. Kanina pa yung tunog ng tunog ilang misscol na at ilang text galing kay Lee at Yoshin pero wala syang balak sagutin o mag reply man lang wala sya sa mood. Napag isip isip na nya na wag ng pansinin ang dalawang koreano guwapo na yun masisira lang talaga ang buhay nya. 3 araw na syang absent sabi nalang nya may bulutong sya kaya di sya makapasok. Sa loob ng 4 na taon ngayon lang sya umabsent noon kahit may lagnat sya tuloy pa rin ang pasok nya di nya ipinapaalam na may sakit sya sayang kasi ang incentive ng perfect attendance pero ngayon kung kelan malapit ng mag december saka naman na sira ang attendance nya. Nag uninstall din muna sya ng sss at messenger para wala syang mabasang pang babash galing sa mga ka work nya. Tiyak nyang ang pangi

