Minamasahe ni Yoshin ang sintido habang paakyat patungong HR. Naulanan sya kahapon ng umuwi di naman nya akalain na uulan. Tinalaban agad sya ng virus pag gising kanina umaga masakit na ang lalamunan nya. Hindi na sana sya papasok pero kailangan dahil ngayon ikakabit ni Lee sa production nag laminating machine na dumating kahapon. Balak nyang tumulong para sya na rin ang unang mag try kung paano i ooperate. Napahinto sya sa pag akyat ng pag angat nya ng tingin nakita si Nicole na pababa naman ng hagdan naka kunot noon after ng pag uusap nila nung nakaraan nag hintay sya ng una nitong gagawin pero natapos ang buong mag hapon hindi man lang ito nag paramdam. Uminit lang ang ulo nya ano pa bang aasahan nya kay Althea wala itong na aalala na kahit ano. Ayaw nya kumilos at umasa nanaman rito b

