Hindi ko na lang pinansin baka sa trabaho n'ya or what. Ayaw kong pangunahan kung ano man iyon. Mabilis akong nagtungo sa banyo upang maligo baka hinahanap na nila ako sa labas. Wala pang limang minuto tapos na akong maligo mabilis akong nagbihis at dinampot ko ang cellphone ni Trevor. Nagmamadali pa akong lumabas at sa restaurant ako nagtuloy, pagdating ko kumpleto na sila. "Good morning po," bati ko sa kanila. Saka ako naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Trevor. "Good morning Hija, mukhang napasarap ang tulog mo huh!" bakas pa sa boses ni Tita na nang-aasar s'ya. Naubo pa ako dahil sa sinabi n'ya bigla ko kasing naalala ang 'morning routine' namin ni Trevor. Nang tignan ko naman si Trevor pigil pigil pa ang tawa n'ya. Kaya naman pasimple ko syang kinurot sa tagiliran n'ya

