Mabilis akong naglakad palayo sa kanya ayaw ko nang marinig ang kahit ano sa paliwanag n'ya. Malinaw na sa akin na may tinatago talaga sila ni Becca. Narinig ko pa na tinatawag n'ya ako ngunit tuloy-tuloy ako sa palabas. Pinipigilan kong umiyak dahil sa nangyari ang kapal ng mukha nilang dalawa! Harap harapan pa nila akong niloloko. Mas maganda naman ako kay espasol, mas matalino nga lang s'ya. Pero kahit na walanghiya pa rin si Trevor! Bweset s'ya! Akala n'ya yata iiyakan ko s'ya. Isusumbong ko s'ya kay Tita. Nagngingit ngit pa rin ako sa galit dahil sa kanilang dalawa. Habang naglalakad pabulong bulong ako sa kawalan. Inisip ko paano ako uuwi? Wala pala akong pera. Nagulat pa ako ng may humawak sa kamay ko paglingon ko nakangiting mukha ni Trevor ang tumambad sa akin. "Bitawan mo ako! S

