Abala kami sa paghahanda ng mga dadalhin namin ngayon. Pupunta kami sa Batangas para sa dalawang araw namin bakasyon maaga pa lang narito na si Jordan at Filipinas dahil kasama rin sila. Isa-isa kong tinignan ang bag ni Ysha kung kumpleto na ba ang gamit n'ya matapos kong maiayos ito. Sunod naman akong pumasok sa kwarto ni Trevor upang i-check din ang bag n'ya baka may nakalimutan syang ilagay. Umupo ako sa kama at binuksan ko ang bag n'ya mukha naman maayos ang lahat at wala syang nakalimutan ilagay. Para makasiguro inilabas ko isa isa ang gamit n'ya. Nagulat pa ako ng may yumakap sa likod ko nang lingonin ko ito nakangiting mukha ni Trevor ang bumungad sa akin. Isang bagay ang gusto ko kay Trevor ang pagiging clingy n'ya at sweet. Palagi na syang may oras kay Ysha at sa akin bumalik na u

