KINABUKASAN ay nagising si Lisa Mary sa aroma ng kape. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Napakurap-kurap siya dahil hindi siya makapaniwalang nasa loob na siya ng eroplano, katabi niya si King na nagkakape habang may kinikulit may laptop nito. "Paanong?" naguguluhang tanong niya. Sumulyap si King sa gawi niya at bahagya itong ngumiti sa kanya. "You're awake. Nagugutom ka ba o may masakit ba sa iyo?" kaagad na tanong ni King sa kanya. Umiling-iling siya. "Walang masakit akin, gutom at pagkalito lang. Paano ako napunta dito?" usisa niya. "Binuhat kita," sagot ni King. "Eh? Bakit hindi mo ako ginising?" kunot-noong tanong niya. "Alam ko kasing pagod na pagod ka kaya hinayaan na lang kita makatulog," rason ni King. Natahimik siya. Bakit siya lang ba napapagod? Eh, ito

