Chapter 47

3416 Words

MAGKAHARAP na nakaupo na sila ngayon ni Jacqueline. Huminga siya ng malalim. "So, nagdadalaga ka na?" nakangiting tanong niya. "Ano ibig mong sabihin?" inosenteng tanong ni Jacqueline sa kanya. Pinaikutan niya ito ng mga mata. "Asus, pa-inosente ka pa 'e kitang-kita ko kanina pabebe ka sa harap ni Doctor Stephen, naku!! Ang galing mo din pumili, friend, doctor din." Nahihiyang nagbaba ng tingin si Jacqueline. "Hinaaan mo lang boses mo at baka marinig nila tayo," saway nito sa kanya. Natawa siya. "Mabuti nga iyon malaman ni Doc. Stephen na gusto mo siya edi magagamit muna iyong mga tinuro ko sa iyo," nakangising giit niya at nagpadekwatro. "Loka-loka ka talaga!" sabi na lang ni Jacqueline. "Pero seryoso, may something-something na ba kayo ni Doc.? Nag-kiss na ba kayo?" usisa niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD