It's been a month simula ng mapadpad ako dito sa lugar na ito na tinatawag nilang Forever Land.
Sa loob ng isang buwan na pamamalagi ko dito ay marami akong natutunan na bagay-bagay sa realm na ito.
Noong una ay hirap akong i-absorb lahat ng information na ibinigay sa akin ni Master Raven. Oo master tawag ko sa kanya. Ayun ang dapat kong itawag sa kanya since siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagay bagay para mabuhay ako sa mundong ito.
Naalala ko pa ang mga napag-usapan namin.
FLASHBACK.....
"Wala na bang paraan para makabalik ako sa amin?" Ang nanghihina kong tanong.
"Actually meron."
Agad nagliwanag ang mukha ko sa narinig.
"Talaga?! Paano?!" Hindi maitago ang excitement sa aking mukha. There's a glimpse of hope bursting in my heart.
"There is a Everian that can create portals. Her name is Evanesca Laurel. She is one of the strongest Everian here in Forever Land." Paliwanag niya.
"Saan ko siya makikita?!" Ang tanong ko dito, ang aking tinig ay mahihimigan ng desperasyon.
"Unfortunately, no one knows where she is as of now. She hasn't been seen for almost a decade." He said nonchalantly.
Bagsak balikat akong napaupo sa sofa. Nanlulumo ako dahil yung tanging tao na pag-asa ko ay nowhere to be found pa! Saan ba nagsusuot ang babaeng yun?!
"But may kakilala akong tao na nakakaalam kung nasaan siya"
Nagliwanag ang aking mukha sa sinabi niya. I am desperately hoping this time.
"He is Silvester Macarov. The headmaster of Forever Land University." Dagdag nito.
'Forever Land University?'
Meron palang school dito.
"Saang banda yung school na yun? Paano ako makakapunta? Pwede mo ba akong dalhin doon?" Excitement and hope were evident in my voice.
"Unfortunately you can't go there." Walang ganang sabi nito sakin na parang ito na ang pinakalame na narinig niya.
Napabusangot naman ako. Pinaglihi ba ito sa robot? Eh kung magsalita parang walang kabuhay-buhay.
"Bakit naman hindi pwede?!" Sambakol ang mukha na tanong ko dito.
"Because hindi ka naman student nila. Hindi ka basta-basta makakapasok doon because of the strong magic barrier that was created by the staffs. Only students of FL University can pass through the barrier and if you're not a student and try to enter, you will be electricuted into ashes. Unless you're a VIP, they can deactivate it in order for you to enter." Paliwanag nito na nakapag-palumo sa akin.
Ano ba yan?! Paano naman ako makakapasok doon ng hindi nakukuryente? Jusko sumasakit ulo ko dulot ng stress.
"Let me tell you this, FL University is the only school who teach and nourish students with their crest. Hindi ito basta-basta kaya huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon and oh wait! Six months from now, there is an entrance exam for the aspiring students of FL University. Maybe you can take the exam in order for you to enter." Sabi nito.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
How can I be a student eh wala naman akong magic or crest or whatsoever na yan?! Napakaimposible naman niyang sinasabi niya.
"I know what you're thinking dimwit! Ofcourse I wouldn't say that if you don't have the crest. Didn't you remember what had happened in the Death forest?"
My eyebrows creased out of confusion. What is he talking about?! I couldn't fathom what he is implying to.
"I mean before you passed out, is there any glimpse of memory on what had happened to you back there?" His bored obsidian eyes staring me.
Napaisip ako. 'Meron bang nangyari before ako nahimatay?Ang naaalala ko ay yung paghahabulan namin ng halimaw hanggang sa mahuli nito ako tapos kakainin niya na sana ako ng biglang-'
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang lahat ng nangyari. There was a green light that came from my body that caused the monster to fly and destroyed the surroundings.
'Oh no! It means I'm not just dreaming?'
Noong bata ako ay hindi ako fond manood or magbasa ng mga fantasy stories because I really devoted into science. Hindi ako naniniwala without scientific evidence. But now, sa nakikita ko ay talagang fantasy is literally real.
Pero ang hirap paniwalaan na may kapangyarihan ako. Sa pagkakaalam ko, normal people ang mga magulang ko and wala akong nakikita sa family namin ang nagprapractice ng wizardy or witchcraft. So paanong meron akong crest na tinatawag nila?
"B-but how do I have the Crest? I'm just an ordinary human from an ordinary parents!" Naguguluhang tanong ko dito.
Parang habang tumatagal ay mas lalo akong nasisiraan ng bait sa mga revelation today. Hindi keri ng utak ko ang mga information.
"I don't know how it happened. Kahit ako ay nagtataka kung bakit ka nandirito at paanong nagkaroon ng crest ang isang taong katulad mo sa mortal world, but for now you should accept what's happening to you and try to fit yourself here in our world." He said with a concerned tone.
Agad din namang nawala yun nang mapansin niya ang nanlalaki kong mata na nakatitig sa kanya.
Haha meron pa pala siyang emotion. Akala ko kasi wala na. Sa lamig ba naman ng boses at walang ekspresyon sa mukha na para bang isang robot.
Napatikhim ito.
"Ehem! Anyways, gaya ng sinabi ko tuturuan kita sa paggamit ng crest mo para mahasa ka at maihanda ka sa darating na entrance exam." Pagpapatuloy nito sa sinabi.
Naexcite naman ako sa sinabi niya. Like hello! I wanna experience something new eversince kasi I was just in my house reading science book or hang out with Kris and Lailani. Speaking of the devils. Hindi ko na sila masyadong iniisip pero meron pa rin yung pain kahit papaano.
"Really?! Can you teach me now to use crest?!" I exasperatingly asked.
Hindi niyo ako masisisi. Ganito ako kapag may bago akong skills na magigain.
"Hey! Hindi agad-agad! Kailangan mo munang palakasin ang iyong Fysikós bago mo magamit ang iyong crest dahil delikado kapag mahina ang iyong Fysikós kapag ginamit mo ng biglaan ang iyong crest." Sabi nito sakin.
"Ano yung Fysikós? At bakit delikado kapag mahina ito when it comes of using your crest?" Parang bata kong tanong.
Feeling ko ang bobo bobo ko ngayon. Nagmumukha akong tanga dito habang nagtatanong.
"Ang Fysikós ay ang iyong physical body. This is where your crest comes from. Your Fysikós serves as medium to channel your crest in your body. The stronger Fysikós, the stronger the crest you emit. But if you have a weak Fysikós, the everian gets easily weak and for some instances, it will cause death." Paliwanag niya.
Nanlamig ako sa huling sinabi niya.
'It will cause death?' The thought makes me shivered.
"Naalala mo yung nahimatay ka 5 days ago? You were in the verge of death. Kung hindi ako napadpad dun ay baka matagal ka ng naging pataba ng lupa. Yung pinakawalan mong energy ay sobrang laki kaya't maswerte ka at nadala kita sa aking haven at nagamot kita agad," pagpapatuloy nito sa sinabi.
Para akong natuod sa narinig. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nameet ko na si San Pedro ngayon. Napakadelikado pala ng ginawa ko. Pero hindi ko naman sinasadya. My body unconsciously did it.
"S-salamat Sir Raven," I sincerely said. Kung hindi dahil sa kanya ay baka namatay akong virgin ngayon.
"It's nothing and by the way, stop calling me sir instead call me Master Raven, it'll be nice to hear," nakangisi nitong sabi.
Napabusangot ako sa sinabi nito. May pagkamayabang din pala ito.
"And why would I?" I sarcastically asked.
"Just do what I say," bumalik sa pagiging cold ang boses nito.
'Nakakakilabot! Grrrr!'
"O-opo Master Raven," nauutal kong tugon.
"Good. Anyways bukas na maguumpisa ang training mo, so you better rest for now because you'll experience hell as the sun arise," he said smirking.
I don't like that smirk. Parang sinasabi niya na humanda ka at mamemeet mo ang tunay na satanas.
I gulped while nodding.
END OF FLASHBACK.....
Sa loob ng isang buwan ay naging impiyerno nga ang buhay ko. Jusko! Wala man lang patawad si Master Raven sa pagtratrain sa akin.
Noong unang araw ko ay bugbog sarado ako sa kanya. Nag sparring kasi kami and ako naman si tanga, pumayag kaya ayun naging punching bag niya ako. Hindi ko naman akalain na sobrang bihasa ito sa Judo, taekwondo and also karate. Ang dahilan niya eh gusto niya raw makita kung hanggang saan ang kaya ko.
'Nek nek niya!'
Sinunod na araw ay tinuruan niya ako ng iba't ibang fighting skills. Agad ko rin namang nagegets mga sinasabi niya kasi desidido akong matuto para makaganti naman ako sa ginawa niyang pagbugbog.
Pero ang nakapagpahirap sa akin ay noong ipinasuot niya sakin ang magical bracelet na kasing bigat ng isang sakong bigas. Take note! Magkabilaang kamay at paa ko ay may suot.
Hirap na hirap akong buhatin ang katawan ko noon. Sino ba naman kasing matinong tao ang nagsusuot nito?!
Hindi pa natatapos lahat ng pang totorture niya sakin. Hindi niya pinatanggal to mga suot kong bracelet. Kaya hirap na hirap akong gawin lahat ng dapat kong gawin gaya na lang ng pagkain, pagligo at pati na rin sa pagtulog suot suot ko ang mga shutang bracelet na ito. Hirap tuloy akong bumangon.
Tapos kailangan 4 AM sharp at gising na ako kundi ay magyeyelo ang kwarto ko. Naalala ko pa na muntikan na akong manigas sa lamig dahil sa lintek na mga bracelet na ito.
Pinapatakbo niya rin ako sa buong paligid ng bundok. He commands me every morning to jog around the hill. Like the f**k! Ang laki at lawak ng bundok na ito tapos lilibutin ko. But again, I couldn't do anything but to comply or else wala akong breakfast.
Sa loob ng isang buwan ay ganoon ang siste ko. Tinuturuan niya ako ng iba't ibang combat skills and also other type of skills na pwedeng mai-apply for combat.
Medyo nasasanay na ako suot itong mga bracelet. Although parang pasan ko ang mundo ay nagagawa ko naman nang buhatin ang katawan ko, yun nga lang ay minimal ang aking galaw.
"Today you are going to unleash your crest through meditation. Since I know that your Fysikós is getting stronger and it's enough for you to channel your crest from your Fysikós pyrínas," paliwanag ni Master Raven.
I couldn't hold my excitement from what I've heard. Sa loob kasi Ng isang buwan ay palagi akong nagcocomplain kung bakit di pa niya ako tinuturuan na palabasin ang aking crest. Ang laging sagot niya ay palakasin ko muna ang aking Fysikós bago ko magamit ang crest ko.
"Through meditation, you are enable to channel your mind to your crest pyrínas. In this process you can determine what type of crest do you have. Sa pagninilay mo, may tatlong gate ka na dapat pasukin. Malalaman mo na lang kung ano ang mga yun kapag ang iyong isip ay nag-travel na sa Crest kósmos." Pagpapatuloy nito sa sinabi.
Napatango naman ako.
"Mind you, hindi ito magiging madali. Sa bawat gate na mapapasukan mo ay may mga nakaambang na mga pagsubok. You need to surpass all the challenge in order for you to proceed to the next gate," paalala nito.
I nodded, sign that I was able to grasped all the things that Master Raven said.
I sat on the soft mantle and shut my eyes. I breathed deeply, trying to relax my tensed body. As I felt the relaxing sensation, my mind immediately drifted to another dimension.
As I open my eyes, I saw a gate made of Jade. Kumikinang ito dahil nasisinagan ito ng araw.
Agad akong lumapit sa gate, sa paglapit ko ay agad bumukas ang gate na tila ba nadama nito ang aking presence.
Naglakad ako papasok. Sa pagpasok ko ay tumambad sa akin ang isang patag na daan.
Napabuga ako ng hangin.
'This is it! The challenge for the first gate has started!'
================================
Madali ko lang nalampasan ang first gate at second gate. Ang first gate ay sobrang dali lang kasi naglakad lang naman ako hanggang sa marating ko ang second gate. Sa second gate naman ay sinolve ko ang limang riddles and as what I say, it was easy as a piece of cake.
Right now, I'm routing to the third and last gate. As I expected, bumungad sa akin ang gate na gawa sa Jade. Ang pinagkaiba nga lang ay may gold linings ito na talaga namang nakapagdagdag sa ganda nito.
Pagpasok ko ay agad bumungad sa akin ang pamilyar na lugar. My eyes widened when I realized where I am right now. Ito yung lugar kung saan ko naencounter ang halimaw na tinatawag na Nine-tailed demon wolf.
I heightened my senses. Mahirap na at baka may sumugod na mabangis na halimaw dito at mamatay ako mismo sa isip ko.
"Grrrrrr!"
Agad kong nilingon ang nilalang na nasa likod ko ngayon. Sumalubong sa akin ang buntot nito na pasugod sa akin.
I immediately dodged its tail and leapt as I grabbed its one tail and unleashed my scimitar.
It was a backsword with a curved blade that made out of tungsten. The handle was colored green with a golden ribbon around the handle. There was also a Jade stone in the middle of the handle as big as 5-peso coin.
Itinuro sa akin ni Master Raven kung paano magsummon ng weapon. It was a basic style of combat that's why hindi ako nahirapan na matutunan na palabasin ito.
I strucked it with my sword. Agad itong naputol kasabay ng malakas na ungol ng demon wolf.
The Nine-tailed demon wolf's weakness is at its tails. Kung magagawa kong putulin lahat ng buntot nito ay agad ko itong mapapatay.
1 down, 8 more to go.
I abruptly charged towards the monster and cut its remaining tails. His howls became louder. I know as of now it is agitated. The demon wolf withdrew his remaining tail and immediately run towards me baring his sharp claws ready to pierce my body.
I prepared my self for an attack. As it pounce me, I immediately slashed its stomach that cut him into half.
Bumulagta naman ito habang umaagos ang dugo nito at mulat na mulat na nakatitig sa akin ang kanyang pulang mata.
'Sorry wolfie, kung hindi kita papatayin ay baka ako ang mapatay mo.'
Hingal na hingal ako. Sino ba namang hindi mapapagod eh hanggang ngayon nakakabit pa rin sa akin ang mga bwisit na bracelet na ito. Akala ko pa naman matatanggal na ito kapag nandito na ako sa Crest kosmós.
Agad akong naglakad palabas ng gate. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang isa pang gate. It was a mixed gold and silver gate. Ibang-iba ito sa mga pinasukan kong gate.
Hindi ko maiwasang magtaka.
'Hindi ba hanggang tatlong gate lang? Dapat makukuha ko na agad ang crest ko eh?'
Ilang segundo pa ang lumipas ay agad may nabuong berdeng liwanag na may halong ginto ang tuktok ng gate. Agad itong tumama sa akin dahilan upang ako'y mangisay at mapahiga sa lupa.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarecover din ako. As I stood up, I felt something different with my body. It was like there is something swirling in my body. Parang lumakas ako.
'Ito na ba ang kabuuan ng crest ko?!'
Napangiti ako na mapagtanto ko na na-attain ko na ang aking crest. Agad akong nagtungo sa weird na gate na ito.
As I enter, I saw nothing but darkness. I couldn't see anything. It feels like I was blind.
"Hello! May tao ba diyan?! Master Raven?!"
Naglalakad ako eventhough I could see nothing. Napasigaw na lamang ako ng wala na akong naapakan at nahuhulog ako ngayon.
Bumungad sa akin ang asul na kalangitan at ang kulay rosas na mga ulap.
"Ahhhhhh!" Malakas na ang tili ko sapagkat nakikita ko lang naman na tubig ang babagsakan ko.
'For Pete's sake! Hindi ako marunong lumangoy!'
Hindi ko alam ang gagawin ko habang nasa ere ako at papabulusok. Wala akong maisip na paraan para maiwasan ko ang pagbagsak ko sa tubig.
"Calm yourself and think that you are going to be teleported to your Fysikós," narinig ko ang isang malamyos na tinig.
Hindi ko man alam kung sino siya ay sinunod ko naman ang payo nito. I breathed deeply trying to retrieve my stoicism. As I calmed, I thought that I would be back to my body.
Malapit na akong babagsak sa tubig ay agad akong napabangon sa pagkakahiga ko sa kama.
Hingal na hingal at pawis na pawis ako ngayon.
"Finally, you're awake," agad kong nabosesan ang malamig na tinig ni Master Raven.
Inabutan niya ako ng basong may lamang tubig at agad ko naman itonh nilagok.
"Ilang oras ako bago nagising?" Ang tanong ko dito.
"You were unconscious for five days," he nonchalantly said.
Naibuga ko ang iniinom ko sa narinig.
'FIVE FREAKING DAYS?!!'
I thought it was just hours.
"Anyways, congratulations that you have passed all the three gates," bati nito sa akin.
That word is like a bell that rang through my ears.
'How come na four gates ang pinasukan ko eh ang sinasabi ni Master Raven na tatlo ang gate?'
"A-ahm master Raven, I would like to ask, is it possible to pass another gate after the three gates?" Medyo nag-aalangang tanong ko.
Nanlaki ang mata nito sa tanong ko.
"Why? Have you seen the fourth gate?!" He asked me with so much intensity.
I nodded.
Napabuga naman ito ng hangin.
"Normally, a novice Everian should pass three gates, but there are some cases that you could open the fourth gate. Those Everians that have passed the fourth gate are special. Normally, you can open the fourth gate when you reach the third level." Paliwanag nito.
"So what is special about that fourth gate?" I curiously asked.
"When you pass the fourth gate, it will grant you the ability of teleportation,"
Agad nagpantig ang teinga ko ng marinig yun. It means I can teleport now to world.
"Hey, you just can teleport to some places in this realm. Don't be so hopeless," he rolled his eyes after he perceived what was on my mind.
Agad namang bumagsak ang pag-asa ko. Napanguso na lamang ako.
"Take note, teleportation is different from portal making. Teleportation is the ability to transfer matter from one point to another. You can teleport only to the place where you came from and have the knowledge into the place. While portal making is the ability to make portals to teleport one self to another dimension or realm." Paliwanag nito.
Hays akala ko pa naman magagamit ko ang bago kong ability para makabalik sa mundo ko.
Sumagi sa isip ko ang sinabi ni master Raven about sa fourth gate. Nabubuksan lang ito pagtungtong ng third level but I opened it eventhough I'm just a novice.
'Therefore, I am SPECIAL?!'