Chapter 31 TROY Ilang hakbang na lang ang agwat ko kay Alexa. Kitang-kita ko na sobrang pungay na ng mga mata niya dahil sa kalasingan. "Troy!" tawag niya sa pangalan ko sa malakas na boses. "Nandito ka rin pala. Halika inom tayo!" Napatingin ako sa paligid na noon ay napatingin din kay Alexa. Kumuha ako ng hangin saka bumuntong-hininga. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Halika na. Uuwi na tayo," aya ko sa kanya. "Ayoko!" tanggi kaagad ni Alexa saka marahas na inalis ang kamay ko sa braso niya. "Pumunta ka lang ba dito para pauwiin ako?" tanong niya pa. Kitang-kita ko sa mukha niya na inaantok na siya sa kalasingan. Pulang-pula na rin ang mukha niya. Mukhang hindi na ata siya makakalakad nang maayos sa itsura niya. "Ba't ka naman kasi naglasing? Ano bang p

