Chapter 37

1766 Words

Chapter 37 TROY Natingala ako nang makita ko ang magandang babae na bumaba sa hagdan. Hindi ko mapigilan mapanganga habang pinagmamasdan ko siya. Parang biglang nag-slow mo ang lahat. Ang ganda niya... Ang lahat ay natulala sa gandang taglay ni Alexa. Parang biglang nagkaroon ng moment of silence ang paligid sa pagbaba niya. Napalunok ako. Hindi ko mapigilan tingnan siya mula ulo hanggang paa. Naglakad ako palapit sa kanya para alalayan siya. Nang mahawakan ko ang kamay niya sobrang lamig niyon. Kinakabahan ba siya sa pagbaba niya ng hagdan? Parang hindi naman halata. "Ang ganda mo Alexa..." bulong ko sa kanya. Nagningning ang mga mata niya. "Salamat. Ikaw din naman ang gwapo mo." "Wow, is she your girlfriend Troy?" tanong ng isang negosyante na inimbitahan ko sa party.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD