Chapter 34 TROY Napatingin ako sa kalendaryo. Ilang araw na lang ay sasapit na naman ang full moon. Makakaramdam na naman ako ng kakaibang sakit sa dibdib ko. Sa tuwing darating ang full moon hindi ko alam kung ano ang magiging epekto niyon sa akin. Kung pwede lang. Punitin ko ang araw na iyon upang hindi ko maramdaman ang sakit sa dibdib ko. Natatakot na rin kasi ako na baka hindi ko na makayanan at masaktan ko ang mga tao sa paligid ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Nandito ako sa opisina ng aking bahay. Hindi muna ako pumasok sa opisina dahil nakatanggap ako ng mensahe sa panaginip ko mula kay Nanay Carmen. Gusto niya akong makausap. Si Nanay Carmen ay isang mambabarang na may lahi na bampira. Yeah... she's a healer of all the vampires. Nirerespeto siya ng lahat ng

