Chapter 39 ALEXA Pinilit kong ituwid ang paglalakad ko kahit ang totoo ay sobrang masakit parin talaga ang parteng ibaba ko. Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok. Sinipat ko pa ang relos na pambisig ko dahil baka late na ako. Good thing hindi pa naman. Ako lang ang nasa elevator kaya agad kong pinindot ang floor ng opisina. Papasara na ang elevator nang may isang kamay na pumigil sa pagsara niyon. Napatingin ako sa nagmamay-ari ng kamay at bahagyang napasinghap. Nagtama ang mga mata namin. "Troy..." mutawi ng labi ko habang nakatitig sa kanya. Awtomatikong tumaas ang gilid ng labi ni Troy. "Babe..." he said saka agad pumasok ng elevator. Hindi pa man din sumasara ang elevator ay agad niya akong siniil ng halik. Agad na tumigil ang mundo ko sa ginawa niya. Hindi ako n

