Chapter 26 ALEXA Nagmamadali na lumabas ako sa inuupahan. Late na ako! Hindi ko napansin ang oras kanina. Masyadong napasarap ang tulog ko dahil day off ko kahapon. Nagkaroon ako ng oras para magpahinga ng maigi. Dala ko ang bag at ilang mga documents na tinapos ko pa kagabi para kaunti na lang ang trabaho ko mamaya pagpasok ko. Pero s**t! Hindi ko alam na mali-late pala ako. Habang naglalakad palabas ng street road patungo sa national road para pumara ng jeep na masasakyan ay parang gusto kong magpaa sa inis dahil sa takong ng sapatos ko. Sa pagmamadali ko ay muntikan na akong matapilok. Nakarating ako sa kalsada. Kailangan ko pang tumawid para doon maghintay sa kabilang kalsada papunta sa daan patungo sa trabaho. Nang masiguro ko na ok na ang kalsada at malayo pa ang mga sas

