Belyn “Daddy, hindi po ba delikado ito para sa pamilya n'yo?” tanong ko sa kaniya pagkatapos naming mag-usap tungkol sa nangyari noong masquerade party. Kabado rin ako baka madamay ang Daddy ko at si Ate Anely, dahil nakaisip akong tulungan si Kianna. Ngunit narito na ito. Wala ng atrasan ‘to. Hindi naman siguro lahat aayon sa guhit ng palad ni Gian para mapaikot ang batas. Mayroon naman iilan na tapat sa tungkulin hindi lahat nababayaran ng salapi mayroong pa rin kakampi sa tama. “Don't worry about our family, hija. Hindi nila tayo magagalaw,” sabi ni Daddy Maynard na para bang pangkaraniwan na lang sa kanila ang ganitong kaso. Seryoso lang nakikinig si Aaron sa tabi ko. Ano kaya ang iniisip nito tatango-tango lang naman at kapag tatanungin ni Daddy Maynard. Yes or no lang din ang sa

