Belyn Nang makablik ako sa table namin. Nasa lamesa na ang in-order ni Rhonda. Napansin ko maraming in-order ang kaibigan ko, para sa kaniya. Hanep ang kaibigan kong ‘to. Ang takaw walang pili sa pagkain. Eh, hindi naman tumataba. Ewan nga kung saan ni Rhonda, dinadala ang mga kinakain kasi hindi naman nakikita sa kaniyang katawan. Two pcs chicken with matching large fries. May chocolate sundae, dalawang extra rice at may burger pa. Kami nga ni Ely, hindi nag-add ng extra rice. Pero itong si Rhonda, animo gutom lang sa dami niyang order na pagkain. “Pasensya na kayo ha? Kung natagalan ako. May nakita kasi akong kakilala,” “Ate Belyn, mabuti at dumating ka na rin. Naku po! Inaway ako ni Kuya, hindi raw kita sinamahan patungong CR,” aniya parang batang nagsusumbong sa akin. “Tumawag ba?

