Belyn Kung hindi pa lumundo ang kama sa gilid ko. Paniguradong mahimbing pa rin ang pagtulog ko, hanggang sa mga oras na ito. I smiled as I remembered the reason why I was so tired last night. Sinagad lang naman ako ni Aaron, kagabi. Himala nga nasabayan ko ang energy level ng asawa ko sa bawat pag-angkin niya sa akin. Inubos ng husto ng maharot kong asawa kagabi ang lakas ko. Namula ang pisngi ko ng maalala ilang ulit akong pinaungol. At dahil mahal ko siya buong puso akong nagpaubaya sa kaniya. “Mommy, good morning po,” naulinigan ko ang matinis na boses ng anak ko humalik sa pisngi ko. Kampante akong mayroon akong suot na damit, t-shirt ni Aaron. Kasi bago ako igupo ng antok dinamitan ako ng asawa ko. Nakangiti kong idinilat ang aking mata at pasimple ko rin sinilip kung may suot a

