Belyn “Daddy, sure po kayo ayos ka na?” tanong ko sa kanya ng umaga pinuntahan ko sa living room dahil uuwi na kami ni Aaron. Nasa sala kasi si Daddy nanood ng morning news. Kasama niya si Ate sa sala. Umupo na muna ako sa tabi ni Daddy tila akong bata maglambing sa ama ko. Yumakap kasi ako sa braso niya at humilig sa balikat nito. Nakamimiss pala ang ganito. Nagagawa ko lang kasi ito noon ang ganitong maglambing sa Daddy ko noong ako'y elementary pa. Natatawang inakbayan ako ni Daddy, kaya sumandal pa ako sa dibdib niya. “Oo naman anak. Kahit naman gustuhin kong dito kayo manirahan ng asawa mo at apo ko. Hindi naman maari ang aking nais kasi may sarili ka ng pamilya,” aniya. Pauwi na kami sa condo ni Aaron, ngunit dadaanan muna namin si Benesha sa bahay nila Aaron, bago umuwi sa con

