Chapter 2

1625 Words
Naging malapit sina Henry at Jenny sa paglipas ng mga araw. Lagi siyang sinusundo nito sa coffee shop at saka ihahatid sa bahay nila, madalas din itong may dala para sa kanilang mag ina. Minsan sinasabihan na niya itong wag nang mag abala pa para sa kanila pero masaya daw ito sa ginagawa basta para sa kanya. He always gives her fresh flowers halos araw araw iyon, at nagsisimula na siyang makaramdam na nagugustahan na din niya ito. Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan niya fourth year college na siya nun at ilang buwan na lang gagraduate na siya at dahil sa bumagsak ang katawan ng nanay niya mula ng mawala ang ama at lagi na lang itong tulala at umiiyak ay nagupo ito sa karamdaman at isang araw nga ay bumigay na ang katawan nito dahil hindi na din ito masyadong kumakain. Humahangos siya nun papuntang hospital kasama niya si Henry sinundo siya nito sa school dahil isinugod daw doon ang nanay niya, ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya nang mga oras na yun wag naman sana dahil baka hindi na niya kayanin pa, sa isip isip niya. "Kumusta po ang nanay ko Doc? Tanong  niya sa naroong doctor na siyang tumingin sa ina. "Pasensya na iha pero wala na ang nanay mo. Sagot nito. At yun na nangyari na ang kinatatakutan niya, she walk through her mother lying still in the hospital bed at hinawakan niya ang kamay nitong malamig na at saka hinalikan. Bakit ganun? ang daya kinuha agad nito ang mga magulang hindi pa siya grumaduate eh, iaahon pa niya sila sa hirap. Sigaw ng isip niya. Gusto niyang sumigaw pero parang walang tinig na lumalabas sa bibig niya  para siyang sasabog sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na yun. Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya at pagtingala niya she saw Henry his face is sympathetic. At dun sumabog ang kinikimkim niyang sakit, napahagulgol siya ng iyak habang sinasabing gumising na ang nanay niya pero hindi ito tumitinag. Wala na ang nanay niya and it was too painful. Gusto niyang sumbatan ang diyos pero anong karapatan niya tao lang siya. "Jen tahan na. Im here I won't ever leave you. Tugon nito at niyakap siya. That time pakiramdam niya nag iisa na lang siya sa mundo at si Henry siya ang naging sandalan niya nang panahong yon hindi siya nito iniwan. Buong panahon na ibinurol ang nanay niya andoon si Henry at Gia hindi siya iniiwan ng mga ito, madalas tulala at umiiyak siya. "Besh magpakatatag ka ha. Si Gia habang tinatapik siya sa balikat. She looked at her friend at malungkot na ngumiti. Pano pa ba siya magiging masaya wala na ang mga magulang niya. Bumalong ulit ang luha niya at muli umiyak na naman siya. "S-salamat Gia at Henry sa mga tulong. Pero pwede nyu na akong iwan. Saad niya sa mga ito. Nailibing na noon ang nanay niya at inihatid siya ng kaibigan at ni Henry sa bahay nila. Pakiramdam niya sobrang lungkot niya dahil mag isa na siya sa buhay. "I will stay here with you Jen. Tugon ni Henry at binalingan si Gia at sinabing mauna na ito. Kaya naman nauna na ang kaibagan niyang umuwi at nagpaiwan nga si Henry sa kanila, hindi siya nito iniwan at sinamahan siya doon. Days have passed and she could still feel the pain but she had to moved on. And Henry was always there. Until her graduation came at aakyatin na niya ang diploma niya sa stage, si Henry ang kasama niyang umakyat at pagka abot pa lang niya sa diploma ay naluha na agad siya because she remembered her parents, dapat kasama niya ang mga ito na umaakyat sa stage pero wala na ang mga ito they're gone and she was left all alone. Pinisil ni Henry ang kamay niya pagbaba sa stage and telling her that everything will going to be okay. She just wipe her tears and smiled at him. After a 2 years she already have moved on, minsan naalala pa din niya ang magulang lalo pag may special occasions pero unti unti nagiging okay na siya and she continued her life. She already found a job in a Hotel as a receptionist at isa din siyang freelance photographer dahil yun ang hilig niya. And Henry is now her boyfriend. Ito ang nagmamanage ng mga business ng family nito sa ngayon kaya naman busy din ito but he haven't change lagi pa din itong nandiyan para sa kanya at sweet pa din ito, she always gives her flowers and lagi siya nitong sinusundo sa work and for that he became her life and she loves him so much that she couldn't imagine life without him. And she thought they will end up together forever but she was wrong because one tragic accident happened to Henry. Papunta ito sa work place niya para sana sunduin siya ng maaksidente ito at mabangga ang kotse nito ng isang ten wheeler truck and He died on the spot. Halos liparin niya nun ang morgue ng hospital na pinagdalhan sa bangkay nito. Pero kahit anong gawin niyang gising dito hindi na ito gumagalaw at halos mabaliw siya sa kakaiyak, bakit ba lagi na lang siyang iniiwan. Una ang tatay niya sumunod ang nanay niya at ngayon naman ay ang lalaking papakasalan sana niya. Jenny and Henry was already engage at isang buwan na lang ikakasal na sana sila. Tulala pa rin siya ng mga sumunod na mga araw habang nakaburol si Henry hindi niya alam kung paano magpapatuloy sa buhay, pakiramdam niya ng panahong yun ay wala ng kwentang mabuhay pa siya at gusto na niyang sumunod sa mga mahal niya. Napahikbi siya pagka alala sa mga ito. "Besh, pahinga ka muna kagabi ka pa andito na nagbabantay ah. Tugon ni Gia, as always ito lagi ang kasama niya sa ganitong pagkakataon hindi siya iniiwan. She stared at him at malungkot na ngumiti saka bumalong na naman ang luha sa mata niya at humagulgol ng iyak habang inaalo siya nito. Sobrang sakit ng nangyari sa kanya at paano pa ba siya makakabangon ngayon, umikot ang mundo niya kay Henry ilang taon din silang nagkasama at sa mga panahong iyon puro masasayang ala ala ang meron sila ng lalaki at ngayon pano pa siya magpapatuloy sa buhay. She thought. After mailibing ni Henry she decided to go the beach, she wanted to be alone at kailangan  niyang lumayo sa lahat dahil alam niyang kinaawaan siya ng mga taong nakapalibot sa kanya at ayaw niyang maramdaman na nag iisa na siya, na wala na si Henry ang lalaking nagmahal ng sobra sa kanya at hindi siya iniwan noong panahong pakiramdam niya ay nag iisa siya,  pero ngayon wala na din ito. She cannot describe the pain she is feeling right now all she wants to do is disappear. "Mahal papunta na ako diyan sa Hotel, I love you. Henry said in the voicemail na ipinadala nito sa kanya the night he met that damn accident. Paulit ulit niya iyong pinapakinggan at umiiyak siya habang pinakikinggan iyon, ang sakit sakit isiping hindi na niya ito makikita at mahahawakan at sobrang namimiss niya ito. Nandoon siya sa dalampasigan dala dala ang tatlong lata ng beer, she was drinking all alone and she was crying so hard. At bigla wala sa sariling naglakad siya patungo sa dagat at lumusong sa tubig. On the other side of the beach someone is also there drinking all alone, it was Jigs Bryan Dominguez, isang sikat na Basketball superstar at isang mayamang business man, his father owned that Hotel and Beach resort and he was there to take a break from his father and to everyone who always makes his head aching. At sa di kalayuan ay namataan  niya ang isang babaeng kanina pa din umiinom and she already looks wasted and the lady was crying like crazy and why is that? He thought. He couldn't recognize her face because it was dark. But he saw her walking towards the sea and damn he could see her drown dahil nakarating na ito sa malalim na parte at bahagya pang maalon ng gabing iyon. He run towards her and swim into her direction and upon reaching her, he immediately grabbed her hands at hinila ito but the woman is struggling. "Let me go! I want to dieeeee... Jenny shouted habang pinipigilan siya ng isang estranghero. Nagpupumiglas siya at pinipilit kumawala pero parang bato sa tigas ang katawan nito. "Don't be a fool, your not going to heaven when you die. He exclaimed as he carried her away from the sea. At dahil pilit pa din itong nagpupumiglas nang makarating sila sa pampang binuhat na niya ito. At inihiga ang babae sa buhangin, saka siya naupo din sa tabi nito bahagya siyang nahapo sa pagbuhat dito dahil pilit nitong sinusuntok siya at mistulang talagang desedido ng tapusin ang buhay nito. Naubo ng bahagya ang babae maybe because of the water na nainom nito mula sa dagat. She was exhausted and cold that time at bigla na lang nagdilim ang lahat nawalan si Jenny ng malay. Jigs saw the lady closed her eyes at nung pulsuan niya ay okay naman ito, maybe dahil na din naparami ito ng inom kaya naman binuhat niya ito at dinala sa kwartong inookupa niya, basang basa sila pareho. And when he lay her down on the bed napatitig siya sa mukha ng babae and he was mesmerized by her. She was beautiful, actually too beautiful and he wondered why she wanted to die.? At dahil basang basa ito nangahas na siyang bihisan ito ng damit but of course he did it by covering her body a blanket para hindi ito makitaan because he was still a gentleman hindi niya ugaling manamantala ng babaeng wala sa ulirat. *may next chapter* #enjoy reading folks.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD