"What happened? Tanong nya sa isang staff ng hotel that morning aligaga kasi itong pumunta sa reception at tila ba ay nininerbyos pa. "E kasi Miss Jen, para hong nagagalit yung kaibigan po ni Sir Jigs na guest natin at ipinatatawag po si Anna, yung chamber maid na naglinis sa kwarto niya kahapon. Kinakabahang tugon ng staff. "Ha? Bakit ano bang nangyari? Tarantang tanong niya dito saka nagpatiuna nang pumasok sa lift kasunod ito. Tinawag siya nito from the reception dahil nanggagalaiti na daw sa galit si Dan. "May naitapon po atang bagay na importante kay Sir Dan si Anna at hinahanap po niya yun. Sagot nito. "Nasaan si Anna? Tinawag mo na ba siya? Tanong niya ulit dito kasabay ng pagbukas ng pintuan ng elevator, dali dali silang nagtungo sa kwartong inookopa ni Dan at pagdating nga do

