MAAGANG gumising si Harrison nang dumating ang umaga kahit na late na siyang natulog kagabi. Magkatawagan at magka-text na rin kasi sila ni Jennie buong gabi. Hindi niya akalain na marami pala silang pagkakapareho pagdating sa ugali at mga hilig nila. Ni hindi siya naboring na kausap ito dahil pareho silang hindi naubusan ng kwento. Naging magaan agad ang loob nila sa isa't isa kaya nagagawa na nilang biruin at tuksuhin ang bawat isa. Pagbaba niya ng kusina ay nakahanda na siya ngunit kasalukuyan pa lang nagluluto ang kaniyang ina at nagkakape naman ang kaniyang ama. "Good morning, Pa! Good morning, Ma!" masayang bati niya sa dalawa. "Napaaga yata ang gising mo, anak?" puna sa kaniya ng ama matapos ibaba ang binabasang diyaryo. "May dadaanan kasi muna ako bago dumeretso sa trabaho," sa

