"Wooh! Ang ganda naman dito!" manghang sabi ni Harrison nang marating nila ang private island resort nila Colton. Bukod kasi sa sariwa ang hangin ay napakaganda din ng lugar. Parang bumalik lang sila sa Maldives. Kasalukuyan kasi silang naglalakad papunta sa main Villa kung saan para lang sa Meier's Family "You want to live here?" tanong sa kaniya ni Colton matapos nitong tanggalin ang suot na sun glasses.. Mabuti na lang at nakasuot din siya ng sun glasses dahil malaya niyang nakikita ang matipunong dibdib nito. Nakasuot kasi ito ng kulay maroon na hawiian polo shirt na bukas ang tatlong butones kaya maman litaw na litaw ang kaputian nito. Pero hindi din nita maiwasan na mainis dahil sa tuwing may nakakasalubong sila ay may napapalingon dito. Mapababae man o lalaki. Parang gusto na lan

